Talaan ng mga ḥadīth

Kapag inibig ng lalaki ang kapatid niya,ipahayag niya na tunay na siya ay iniibig niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang malalaking kasalanan: Pagtambal kay Allah,Paglapastangan sa magulang,Pagkitil sa buhay,at ang Lubog na Panunumpa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang naghahanap ng [kabutihan] para sa babaing balo at mahihirap,ay tulad ng nakikibaka sa landas ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
"Iwasan ninyo ang pitong nakapapahamak." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pakikinabang sa patubuan, ang pakikinabang sa yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang puri sa mga babaing malinis, na inosente, na mananampalataya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ako ang nag-iisa na hindi nangangailangan ng katambal; sino man ang gagawa ng gawain bilang pag-tambal sa akin, ito ay aking iiwan kasama ang kanyang itinambal (sa Allah).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag ninyo gawin ang inyong mga bahay na puntod, at huwag ninyo gawin ang aking puntod na pistahan (lugar palagiang bisitahin), at mag-alay kayo ng pag-pupugay (salawat) sa akin, katotohanan ang inyong pag-pupugay ay aabot sa akin kahit saan pa man kayo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinuman ang magsaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Siya ay Nag-iisa at walang katambal sa Kanya,at katotohanan na si Muhammad ay Propeta at Sugo Niya,at Katotohanang si 'Esah ay propeta ng Allah at Sugo Niya at Ang Salita Niya ay iginawad Niya kay Maryam at ang isang espirito nito (na kanyang nilikha),At ang Paraiso ay totoo,At ang Impiyerno ay totoo,Papapasukin siya ni Allah sa Paraiso, dahil sa mga gawain nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinuman ang mamatay na hindi nagtambal kay Allah kahit na isang beses lang,ay mananahanan sa Paraiso,at sinuman ang mamatay na nagtatambal kay Allah kahit isang beses lang ay mananahanan sa Impiyerno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang magtitiyak sa akin [na pangangalaagan] ang nasa pagitan ng bigote at balbas niya at ang nasa pagitan ng mga hita niya, titiyakin ko para sa kanya ang Paraiso."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pinakamainanm na pag-alaala [kay Allah] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allah).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Paraiso ay mas-malapit sa isa sa inyo mula sa mga yapak ng tsinelas nito.At gayundin ang Impiyerno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa kasunod na Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa kasunod na Ramaḍān ay mga panakip-sala para pagitan ng mga ito kapag iniwasan ang malalaking kasalanan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Walang dumadapo sa Muslim na kapaguran ni karamdaman ni kabalisaan ni kalungkutan ni kapinsalaan ni kapighatian − pati na ang tinik na tumuturok sa kanya − na hindi ipambabayad-sala ni Allāh iyon sa ilan sa mga kamalian niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Binalot ang Impiyerno ng mga pinipithaya at binalot ang Paraiso ng mga kinakainisan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima:Pagsagot sa pagbati [ng kapayapaan],at Pagdalaw ng may sakit,at Pagsama sa paglibing,at Pagtugon sa Pag-aanyaya,at Pananalangin [ng kabutihan at pagpapala] sa bumabahin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Naawa si Allah sa isang lalaking mapagbigay kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
May isang lalaki noon na nagpapautang sa mga tao at nagsasabi siya noon sa utusan niya: Kapag pinuntahan ka ng isang nagigipit, magpaumanhin ka sa kanya nang sa gayon si Allāh ay magpalampas sa atin. Makatatagpo niya si Allāh at magpapaumanhin sa kanya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang lumabas alang-alang sa paghahanap ng kaalaman, siya ay nasa landas ni Allah hanggang sa makabalik.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim dala ang tabak nilang dalawa, ang pumatay at ang napatay ay sa Impiyerno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng dalawang ito ay mga bagay na nakapanghihinala, na hindi nalalaman ng marami sa mga tao. Kaya ang sinumang nangilag sa mga nakapanghihinala ay nakapag-ingat nga para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga nakapanghihinala ay nasadlak sa ipinagbabawal,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga katawan ninyo ni sa mga anyo ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang mga gawain ay nakasalalay sa layunin,at bawat tao ay nakasalalay sa kanyang layunin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
May isang lalaking nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tagubilinan mo po ako." Nagsabi siya: "Huwag kang magalit." Inulit nito nang makailan. Nagsabi siya: "Huwag kang magalit."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi siya: "O Allah, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko." Kaya nagsabi Siya, mapagpala Siya at pagkataas-taas: "Nagkasala ang lingkod ko ng isang pagkakasala at nalaman niyang mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa rito."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang mga makatarungan ay sa piling ni Allah sa mga pulpito ng liwanag: ang mga nagpapakamakatarungan sa hatol nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Alam ba ninyo kung ano ang paninirang-puri?)) Nagsabi sila: Si Allah at ang kanyang Sugo ang higit na nakakaalam.Nagsabi siya: (( Ito ang pagbanggit mo sa kapatid mo sa anumang ikinamumuhi niya))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allah nang walang katarungan,mapapasakanila ang Impiyerno sa Araw ng pagkabuhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Iwasan ninyo ang paghihinala,Sapagkat tunay na ang paghihinala ang pinakasinungaling na pag-uusap
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang lahat ng anak ni Adan ay nagkakamali at ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong nagbabalik-loob
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang lahat ng magagandang bagay ay kawang-gawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwan na huwag magmaliit ng anuman sa kabutihan,kahit lamang na salubungin mo ang iyong kapatid nang maaliwalas na mukha
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi nakikita ang lakas sa pakikipagaway,subalit ang malakas ay yaong napipigilan nito ang kanyang sarili sa galit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinuman ang pumatnubay sa kabutihan,mapapasakanya ang gantimpalang tulad ng gumagawa nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag mag-alipusta sa mga patay;sapagkat tunay na sila ay humantong sa mga naitambad nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Hindi ipinapahintulot sa isang Muslim na lumikas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi;Magsasalubong silang dalawa,tatalikod ito at tatalikod ito,At ang pinakamainam sa kanilang dalawa ay ang unang bumati ng kapayapaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi nakakapasok sa Paraiso ang namumutol
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pinakamalapit na kalagayan ng alipin sa panginoon nito ay kapag siya ay nagpatirapa,kaya`t paramihin dito ang panalangin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay,ay magsalita ng mabuti o manahimik,At sinuman ang naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay,ay pakitunguhan niya ng mabuti ang kapit-bahay nito,at sinuman ang naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay,ay pakitunguhan niya ng mabuti ang bisita nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang hindi maawa sa mga tao, ay hindi siya kaawaan ng Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang higit na kasuklam-suklam sa mga lalaki kay Allāh ay ang pinakamabalasik na nakikipagtalo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pinakakaibig-ibig sa pananalita para kay Allah ay apat. Hindi ka mapipinsala sa alinman sa mga ito ka nagsimula: Subḥāna -llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah), Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah), at Allāhu akbar (Si Allah ay pinakadakila).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang karamihan sa nagpapapasok sa Paraiso ay ang pangingilag sa pagkakasala kay Allah at ang kagandahan ng kaasalan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pagkahiya ay bahagi ng Pananampalataya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Dalawang salitang napakagaan sa dila,mabigat sa timbang, Kaibig-ibig sa Allah [ang Mahabagin]: Napakamaluwalhati ni Allah,dahil sa Papuri sa Kanya,Napakamaluwalhati Niya,Ang Napaka-dakila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Walang anumang higit na marangal kay Allah kaysa sa panalangin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang nagsanggalang sa karangalan ng kapatid niya nang lingid, magsasanggalang si Allah sa mukha niya laban sa Apoy sa Araw ng Pagkabuhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang nagsabi ng: Subhā ­llāhi wa bihmadih (Napakamaluwalhati ni Allah at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw ay maaalis ang mga kamalian niya kahit pa man singdami ng mga bula ng dagat.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang nagsabi ng: Lā ilāha illa ­llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu ­lmulku wa lahu ­lḥamd, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr nang sampung ulit ay gaya ng isang nagpalaya ng apat na tao na kabilang sa mga anak ni Ismael.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang pagnaisan ni Allāh ng isang kabutihan, magpapaunawa Siya rito sa Relihiyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na si Allah ay nagmamahal sa aliping nangingilag magkasala, nagkakasya, naglilingid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi tumatanggi sa regalong pabango.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pinakaganap sa mga Mananampalataya sa pananampalataya ay pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. Ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga maybahay nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang kabanayaran kapag nangyaring nasa isang bagay ay nagagayakan nito iyon at kapag naaalis ito sa isang bagay ay nadudungisan nito iyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na [kapag] kakain ng pagkain ay magpupuri dahil doon o [kapag] uminom ng inumin ay magpupuri dahil doon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang mananampalataya ay talagang makaaabot sa pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya sa antas ng nag-aayuno na nagdaradasal pa [sa gabi].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na si Allah ay talagang nagpapalugit sa sumusuway sa katarungan; ngunit kapag kinuha Niya ito, hindi Niya ito patatakasin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi ako mag-iiwan pagkatapos ko ng isang tukso na higit na nakapipinsala sa mga lalaki kaysa sa mga babae.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magbalita kayo ng nakalulugod at huwag kayong magpalayo ng damdamin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa anak niya, magulang niya, at mga tao sa kalahatan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinuman ang manalig sa isang bagay,ipapaubaya siya rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang qaz`.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ipinagbawal sa amin ang pagpapakahirap-hirap.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Walang sinuman sa alipin na sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah,at si Muhammad ay Kanyang ay Kanyang alipin at sugo,tapat sa kanyang puso,maliban sa ipigbabawal ni Allah sa kanya ang Impiyerno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag kayong magsuot ng sutla at Dībāj [damit na yari sa bakal] at huwag kayong uminom gamit ang lalagyang yari ginto at pilak,At huwag kayong kumain sa mga dulang nila, Sapagkat ito ay para sa kanila sa Mundo at ang sa inyo ay ang Kabilang buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag kayong magsuot ng Sutla,sapagkat tunay na sinuman ang magsuot nito sa Mundo ay hindi makaka-suot nito sa Kabilang- Buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Lumabas si Muāwiyah-malugod si Allah sa kanya-mula sa isang halaqah sa loob ng Masjid? Nagsabi sila:Ano ang dahilan ng pag-upo ninyo rito?Nagpupulong kami upang alalahanin si Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Dumaan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa dalawang libingan,Nagsabi siya: ((Tunay na silang dalawa pinaparusahan,At ang ipinaparusa sa kanilang dalawa ay malaki.Ang isa sa kanila:Siya ay hindi nagtatakip sa pag-ihi,At ang iba: Siya ay naglalakad para sa Paninirang-puri))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kasama ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa paglalakbay niya,bumaba ako upang tanggalin ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat ng hayop],Nagsabi siya: Hayaan mo silang dalawa,Sapagkat tunay na ipinasok ko silang dalawang na nasa loob ng kalinisan,Kaya nagpunas siya sa kanilang dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O Sugo ni Allah,maaari bang matulog ang iisa sa amin kapag siya ay sa kalagayang Junub? Nagsabi siya: Oo,Kapag nakapagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo ay maaari siyang matulog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag nagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo,maglagay siya sa ilong niya ng tubig,pagkatapos ay isinga niya ito,At sinuman ang gumamit ng bato [sa paglilinis],gawin niya itong gansal.At kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog,hugasan niya ang dalawang kamay niya bago niya ito ipasok sa lalagyan [ng tubig] ,nang tatlong beses,Dahil katunayan ang isa sa inyo ay hindi niya nalalaman kung saan niya nailagay ang kamay niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito,at inaalaala niya si Allah-Pagkataas-taas Niya sa pagpasok niya,at sa pagkain niya,Sasabihin ni Satanas sa mga kasamahan niya,Wala kayong matutulugan at wala kayong hapunan;At kapag pumasok siya at hindi niya inaalaala si Allah -Pagkataas-taas Niya sa pagpasok niya,at sa pagkain niya,Sasabihin ni Satanas;Inabutan ninyo ang matutulugan,at kapag hindi niya inaalaala si Allah -Pagkataas-taas Niya sa pagkain niya,Sasabihin niya: Inabutan ninyo ang matutulugan at ang hapunan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Igalang ninyo si [Propeta] Muhammaad pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa [sa pamamagitan ng paggalang] sa mga nanannahanan sa bahay niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Katotohanang ang Mundo ay napakatamis na [prutas ng] halaman,at katiyakang si Allah ay ginawa niya kayong namamahala rito,Titingnan Niya kung ano ang gagawin ninyo,Katakutan ninyo ang Mundo at katakutan ninyo ang mga babae,Sapagkat ang unang tukso sa mga angkan ng Esrail ay nasa mga babae
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pagiging mahiyain ay walang magiging bunga maliban sa kabutihan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag na huwag hawakan ng isa sa inyo ang ari nito sa kanang kamay niya kapag siya ay umiihi,at huwag magpunas [ng bato o papel] kapag nasa palikuran nang kanang kamay,at huwag huminga sa lalagyan ng tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ikaw ay makakasama sa sinumang iniibig mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang kahalintulad ng mabuting kaibigan at masamang kaibigan,ay tulad ng nagdadala ng pabango,at nag-iihip ng pugon,Kaya`t ang nagdadala ng pabango;maaari ka niyang mabigyan,o maaari ka niyang mapagbibintahan,o maaaring makakakatagpo ka sa kanya ng mabangong humahalimuyak,Samantalang ang nag-iihip ng pugon;maaaring masunog nito ang iyong mga damit o maaaring makakatagpo ka ng masamang hangin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Yā muqalliba -lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik (O Tagapagpabago-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon mo).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinuman ang humiling ng taos puso sa Allah-Pagkataas-taas Niya na maging martir [kapag siya ay namatay],ipagkakaloob sa kanya ang mga antas ng mga martir kahit na siya ay namatay sa higaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Mananatili ang pagsubok sa [lalaking] mananampalataya at [babaing] mananampalataya,sa sarili nito,anak at yaman ,hanggang sa makakaharap niya si Allah-Pagkataas-taas Niya- na nawala sa kanya ang kanyang mga kasalanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: Walang makukuhang gantimpala mula sa Akin ang alipin kong mananampalataya,kapag binawian ko ng buhay ang minamahal niya sa mundo,pagkatapos ay nagtiis at hinangad niya gantimpala nito,maliban sa Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag kayong dumalangin laban sa mga sarili ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga anak ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga yaman ninyo. Huwag ninyong itapat sa isang oras na kapag hiniling mula kay Allah sa sandaling ito ang isang bagay ay tutugon Siya sa inyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tinutugon ang isa sa inyo hanggat hindi siya nagmadali, na nagsasabi: Dumalangin na ako sa Panginoon ko ngunit hindi Siya tumugon sa akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Aling panalangin ang pinakadinidinig? Nagsabi siya: Ang oras ng huling bahagi ng gabi at sa wakas ng mga dasal na isinatungkulin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kaya bumalik sa mga magulang mo at husayan mo ang pakikisama sa kanilang dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pinakamainam na dīnār na gugugulin ng lalaki ay dīnār na gugugulin niya sa mag-anak niya, dīnār na gugugulin niya sa sasakyang hayop niya sa Landas ni Allāh, at dīnār na gugugulin niya sa mga kasamahan niya sa Landas ni Allāh.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag nakakita ang isa sa inyo ng panaginip na naiibigan nito,tunay na ito ay mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya, Purihin niya si Allah rito,at ipagsabi niya ang tungkol dito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Nakakamangha ang gawain na isang mananampalataya;Ang lahat ng kanyang gawain ay may kabutihan,at hindi ito makatatagpuan maliban sa mananampalataya: Kapag dumating sa kanya ang kaligayahan,siya ay magpapasalamat [kay Allah] at ito ang mabuti para sa kanya,At kapag dumating sa kanya ang pinsala,Siya ay magtitiis,at ito ang mabuti para sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
"Hindi ba ako magpapabatid sa inyo ng higit na pinangangambahan para sa inyo sa ganang akin kaysa sa Bulaang Kristo?" Nagsabi sila: "Opo, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Ang tagong shirk: Tumitindig ang tao at saka nagdarasal at pinagaganda ang dasal niya dahil sa nakikita niyang pagtingin ng isang tao."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O bata, anong nangyari sa iyo? Hindi ba't ikaw ay nag-uutos sa kabutihan at mag-pipigil mula sa kasamaan? at ang sabi niya: oo, ako ay nag-uutos sa kabutihan at hindi ko siya ginagawa, at ako ay mag-pipigil mula sa kasamaan at akin naman siyang ginagawa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag ninyong gawin ang aking puntod bilang lugar na palagiang bisitahin, at ang mga bahay niyo na parang mga puntod, at manalangin kayo sa akin, dahil tiyak na ang inyong panalangin ay aabot sa akin kahit saan sulok pa man kayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinuman ang mag-alaga ng dalawang batang babae hanggang sa pagsapit ng kanilang hustong gulang,darating siya sa Araw ng Pagkabuhay,na ako at siya ay ganito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tinanong ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Alin sa mga gawain ang kaibig-ibig para kay Allah? Nagsabi siya: Ang pagdarasal sa oras nito,Sinabi ko: Pagkatapos ay ano? Nagsabi siya: Ang pagiging mabuti sa mga magulang
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ito ay isang batong inihagis sa Impiyerno magmula pitumpung taon. Ito ay bumabagsak sa Impiyerno hanggang sa nagwakas ito ngayon sa kalaliman niyon at narinig ninyo ang lagapak nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
May isang lalaking kumain sa piling ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, gamit ang kaliwa niya kaya nagsabi siya: "Kumain ka gamit ang kanan mo." Nagsabi ito: "Hindi ko po nakakaya." Nagsasabi siya: "Hindi mo nawa makaya!" Walang pumigil sa kanya kundi ang pagmamalaki kaya hindi niya naangat ito sa bibig niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pangitain ay pagtatambal [sa Allah],Ang pangitain ay pagtatambal [sa Allah],at wala [kahit na isa] mula sa atin maliban [sa [siya ay nakakagawa nito],Ngunit si Allah ay tinatanggal ito sa pamamagitan ng Pagtitiwala [ Kay Allah]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Walang pagkahawa, walang [masamang pangitain sa] ibon, walang [masamang pangitain sa] kuwago, at walang [masamang pangitain sa buwan ng] Ṣafar.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Talagang ibibigay ko nga ang watawat bukas sa isang lalaking umiibig kay Allah at sa Sugo Niya at iniibig iyon ni Allah at ng Sugo Niya, na mananaig si Allah sa pamamagitan ng mga kamay niyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sino itong nanunumpa sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpabagsak sa gawa mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Walang buhay na nakikitil nang walang katarungan maliban sa ang unang anak ni Adan ay magtatamasa ng bahagi sa pagpatay sa kanya,Dahil siya ang unang gumawa ng pagkitil ng buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
hindi mo pa napag-alam na ang Islam ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang paglikas ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang hajj ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalitang hindi siya nakatitiyak hinggil doon, na ikatitisod niya sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinuman ang magsabi-ibig sabihin ay: Kapag lumabas siya sa bahay niya: Sa Ngalan ni Allah,Ipinaubaya ko ang pananalig sa Allah, walang Kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah,Sasabihin sa kanya:Napatnubayan ka, Nalugod ka,Napangalagaan ka,at lalayo sa kanya si Satanas))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Mangilag kayong magkasala kay Allāh, dasalin ninyo ang limang [dasal] ninyo, mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayunin] ninyo, ibigay ninyo ang zakāh ng mga yaman ninyo, tumalima kayo sa mga pinuno ninyo, papasok kayo sa Paraiso ng Panginoon ninyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ayon kay Abē Hurayrahو buhat sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Kapag nakasalubong ng isa sa inyo ang kapatid niya,bumati siya sa kanya,at kapag nakaharang sa pagitan nilang dalawa ang puno o dingding o bato,pagkatapos ay nasalubong niya ito,Bumati siya rito))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Gusto niyo bang ipatnubay ko sa inyo Ang mga gawain na patatawarin sa inyo ni Allah dahil dito Ang mga kasalanan at itataas dahil dito ang inyong mga antas?)) Nagsabi sila: Oo , O Sugo ni Allah, Nagsabi siya:((Paglagom ng Wudhū sa mga [oras na] kinamumunghian, at pagpaparami ng mga Hakbang sa Masjid,at paghihintayng dasal pagkatapos ng dasal,ito para sa inyo ang Pagbabantay [para sa daan ni Allah]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, ng pinakadalisay sa mga ito sa ganang May-ari ninyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Katotohanan na alam ko ang isang salita na kung sasabihin niya ito ay mawawala sa kanya ang anumang nararamdaman niya (galit),Kapag sinabi niya; Ako ay nagpapakupkop kay Allah laban kay Satanas na itinakwil,Mawawala sa kanya ang anumang nararamdaman niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang mabuting panaginip ay mula kay Allah at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Magpigil ka para sa iyo ng dila mo, magkasya ka sa bahay mo, at umiyak ka sa kasalanan mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na sa Paraiso ay may isandaang antas na inihanda ni Allah para sa mga nakikibaka sa landas Niya, na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Ako ay gaya ng palagay ng lingkod Ko sa Akin at Ako ay kasama niya saanman niya Ako binabanggit.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ay tumingin diyan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kung nagkataong ang mundo ay nakatutumbas sa ganang kay Allah ng isang pagkpak ng lamok, hindi na sana Siya nagpainom sa siyang tumatangging sumampalataya mula roon ng isang inom ng tubig.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kasuklam-suklam, pagkatapos ay kasuklam-suklam, pagkatapos ay kasuklam-suklam siya na naabutan ang mga magulang niya sa katandaan ng isa sa kanilang dalawa o nilang dalawa ngunit hindi siya nakapasok sa Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Nanguna ang mga nagbubukod-tangi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Nagbubuhol ang demonyo sa batok ng isa sa inyo, kapag ito ay natulog, ng tatlong buhol na naghihigpit siya sa bawat buhol: Sa iyo ay may mahabang gabi kaya muli kang matulog.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
May dalawang matang hindi hihipuin ng Apoy: matang umiyak dahil sa takot kay Allāh at matang nagpamagdamag na nagtatanod alang-alang sa landas ni Allāh."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang bawat kalipunan ay may tukso at ang tukso ng kalipunan ko ay ang yaman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag pinagtakpan ng isang tao ang isang tao sa mundo, pagtatakpan siya ni Allah sa Araw ng Pagkabuhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag ngang mamatay ang isa sa inyo malibang siya ay nagpapalagay nang maganda kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Nakatagpo ko si Abraham sa gabi ng pagpapalakbay sa akin [sa langit] at nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ito ay malalawak na kapatagan, na ang mga tanim nito ay Subḥāna ­llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa ­llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)"Ayon kay Abū Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "Nakatagpo ko si Abraham sa gabi ng pagpapalakbay sa akin [sa langit] at nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ay ito malalawak na kapatagan, na ang mga tanim nito ay Subḥāna ­llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa ­llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Walang natira sa pagkapropeta kundi ang mga mubashshirah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kung nagkataong nagkaroon ako ng tulad sa [bundok ng] Uhud na ginto, talagang ikagagalak ko na pagkalipas ng tatlong gabi ay walang matitira sa akin na anuman mula rito maliban sa anumang ipambabayad ko sa isang pagkakautang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Talagang kung ikaw ay gaya ng sinabi mo, para bang sinusubuan mo sila ng mainit na abo. Hindi mahihinto na may kasama kang tagaalalay mula kay Allāh laban sa kanila hanggat ikaw ay patuloy na gayon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay ay tulad ng paglalagay ng isa sa inyo ng daliri niya sa dagat, kaya pagmasdan niya kung ano ang ibinabalik nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi magpapagalak sa akin na mayroon akong tulad ng Uḥud na ito na ginto, na lilipas sa akin ang tatlong araw samantalang mayroon pa akong isang dinar mula rito, bukod pa sa isang bagay na inilalaan ko para sa isang utang, malibang nagugol ko ito sa mga lingkod ni Allah, nang ganito, ganyan, at ganoon,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya at hindi umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay at patay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko sa inyo matapos ko ay ang bubuksan sa inyo na karikitan ng Mundo at gayak nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
"O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa kagandahan ng pakisama?" Nagsabi siya: "Ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay sa ama mo, pagkatapos ay ang pinakamalapit sa iyo, ang pinakamalapit sa iyo."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang gumugol sa dalawang asawa sa landas ni Allāh ay ipananawagan mula sa mga pinto ng Paraiso: O Lingkod ni Allāh, ito ay mabuti. Ang sinumang kabilang sa mga alagad ng pagdarasal ay tatawagin mula sa pinto ng pagdarasal. Ang sinumang alagad ng pakikibaka ay tatawagin mula sa pinto ng pakikibaka.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagkabuhay ay talagang isang lalaking lalagyan sa talampakan ng dalawang paa niya ng dalawang baga, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya. Wala siyang nakikitang isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinusundan ang patay ng tatlo: ng mag-anak niya, ng yaman niya, at ng gawa niya. Uuwi ang dalawa at maiiwan ang isa. Uuwi ang mag-anak niya at ang yaman niya, at maiiwan ang gawa niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ginawa ni Allāh ang awa na isang daang bahagi at pinanatili Niya sa piling Niya ang siyamnapu't siyam. Nagpababa Siya sa lupa ng iisang bahagi. Mula sa bahaging iyon nag-aawaan ang mga nilikha hanggang sa nag-aangat ang hayop ng paa nito palayo sa anak nito sa takot na masagi ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man. Pasundan mo ang masagwang gawa ng magandang gawang papawi rito. Pakitunguhan mo ang mga tao ng magandang kaasalan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ilayo mo ang loob mo sa Mundo, iibigin ka ni Allāh; at ilayo mo ang loob mo sa anumang taglay ng mga tao, iibigin ka ng mga tao.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pagpapakabuti ay kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay anumang lumigalig sa sarili at kinasuklaman mong makaalam doon ang mga tao.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Talagang si Allāh ay higit na masaya sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya kaysa sa isa inyo na nakasumpong sa kamelyo niya noong naiwala niya ito sa lupang disyerto.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob ng tao hanggat hindi ito naghihingalo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Katotohanang si Allah -Pagkataas-taas Niya- ay Napaka-dalisay,at wala Siyang tinatanggap (na gawain) maliban kung ito ay dalisay.At katotohanang si Allah ay nag-utos sa mga mananampalataya tulad ng pag-uutos Niya sa kanyang mga Sugo, Nagsabi Siya-Pagkataas-taas Niya;" O kayong mga Sugo! Kumain kayo nang lahat ng Halal o Ipinapahintulot at magsigawa kayo ng kabutihan"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na si Allāh ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
May lalaking nagtanong sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: tungkol sa pag-aayuno sa paglalakbay nagsabi siya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi ipinapahintulot sa isang babaing naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay na maglakbay sa loob ng isang araw at isang gabi na wala kasamang mahram [asawa o kamag-anak na lalaking ipinagbabawal sa kanya na maging asawa]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ayon kay Abe Zarr AL-Gaffa`rie malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao mula sa kasamahan ng sugo ni Allah-pagpalain ni Allah siya at ang mag-anak niya at pangalagaan ,nagsabi sila sa propeta pagpalain siya ni Allah pagkataas-taas Niya at ang mag-anak niya at pangalagaan :O sugo ni Allah,nauna na ang mga mayayaman sa mga gantimpala ,Sila ay nagdarasal tulad ng aming pagdarasal,at sila ay nag-aayuno tulad ng aming pag-aayuno,nagkakawang-gawa sila sa kainaman ng mga kayamanan nila Nagsabi siya:Hindi ba`t ginawa ni Allah sa inyo ang ipagkakawang-gawa ninyo?.katotohanan sa bawat pag-ala-ala (pagbigkas ng Subhanallah) ay kawang-gawa,at sa bawat pagdakila (pagbigkas ng Allahu Akbar) ay kawang-gawa at sa bawat pagpuri (pagbigkas ng Alhamdulillah) ay kawang-gawa at sa bawat bigkas ng (La ilaha Illalah) ay kawang-gawa,ang pag-utos sa mga kabutihan ay kawang-gawa at ang pagbawal sa mga kasamaan ay kawang-gawa.at ang paggalaw ng isa sa inyo asawa nito,ay kawang-gawa.Nagsabi sila:O sugo ni Allah kapag ang isa sa amin ay gumalaw sa asawa nito, magkakaroon ba siya ng gantimpala.?Nagsabi siya:Sa tingin ninyo,kapag nangalunya at inilagay niya ang pagnanais niya sa ipinagbabawal,magkakaroon ba siya ng kasalanan?Nagsabi sila:Oo,Nagsabi siya:Ganun din kapag inilagay niya ito sa ipinapahintulot, magkakaroon siya ng gantimpala.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng pagkapropetang una ay na kapag hindi ka nahihiya ay gawin mo ang niloob mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ilagay mo ang iyong sarili dito sa mundo na para kang estranghero o dumadaan lamang sa daan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag sulutin ng ilan sa inyo ang pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O Sugo ni Allah, tunay na ang mga batas ng Islām ay dumami sa amin, kaya may kabanata bang kakapitan na masaklaw?" Nagsabi siya: "Hindi titigil ang dila mo sa pagiging pamamasa sa pagsambit kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang pumawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagkabuhay. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, pagiginhawahin siya ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng lahat ng kabutihan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi ko ba ipababatid sa inyo kung sino ang ipinagkait sa Impiyerno, o kanino ipinagkait ang Impiyerno? Ipinagbawal ito sa bawat malalapitan, mahinahon, banayad, madaling [pakisamahan].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pananamit ng muslim ay hanggang sa kalahati ng binti, at walang pangamba -o walang problema- kung ito ay sa pagitan niya at pagitan ng dalawang bukong-bukong, sa ganon kung siya ay nakababa sa dalawang bukong-bukong siya ay mapasaimpyerno, at sino man ang kaladkarin niya ang kanyang suot bilang pag-mamataas hindi siya titingnan ng dakilang Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi kailan man kinadustaan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang anumang pagkain, kung ito'y kinagagalakan niya ay kakainin niya, at kung ito'y kinasusuklaman niya ito'y iiwan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pagsamba sa panahon ng sigalot ay gaya ng paglikas patungo sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Walang isang Muslim sa ibabaw ng lupa na dumadalangin kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ng isang panalangin, ibibigay sa kanya ni Allāh ito o ibabaling palayo sa kanya ang kasagwaang tulad nito hanggat hindi siya dumadalangin ng kasalan o pagputol ng ugnayan sa kaanak.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Lā ilāha illā -llāhu -l`ađīmu -lḥalīm, lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`ađīm, lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa rabbu -l’arḍi wa rabbu -l`arshi -lkarīm (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at lupa at ang Panginoon ng tronong marangal).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Mangilag kayo sa kawalan ng katarungan sapagkat ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang paglait sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang karapatan ng muslim sa kapatid niyang muslim ay anim:Kapag nasalubong mo siya,batiin mo,at kapag inimbitahan ka niya,ay paunlakan mo,at humingi siya ng payo ay payuan mo,at kapag siya`y bumahing at kanyang sinabi "Al hamdulillah",sabihin mong" Yarhamukallah",at kapag siya ay nagkasakit,bisitahin mo,at kapag siya ay namatay,makipaglibing ka sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang mangako ng katapatan sa isang pinuno at nagbigay rito ng pangako ng kamay niya at katapatan ng puso niya ay sundin niya ito kung makakaya niya. Kung may dumating na iba na makikipagtunggali sa kanya, tagain ninyo ang leeg ng iba
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag nagsuot ng tsinelas [o sapatos] ang isa sa inyo,simulan niya ito sa kanan,at kapag tinanggal niya ito,simulan niya ito sa kaliwa;at sikapin na ang kanan ang siyang maging una sa pagsuot at ang iba nito ay sa pagtanggal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na itinuro sa amin ni Allah kung paano kami magbigay ng pagbati sa iyo;gunit paano kami magbibigay ng Pagpaparangal sa iyo?Ang sabi niya: Sabihin ninyo: "O Allah! Ipagkaloob Mo ang Iyong Pagpaparangal kay Muhammad,at sa mga Angkan ni Muhammad,tulad ng pagkakaloob Mo ng Pagpaparangal kay Ebrahim,Katunayan sa Iyo ang lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian,At Pagpalain Mo si Muhammad at sa mga Angkan ni Muhammad;tulad ng Pagpapala Mo kay Ebrahim,Katunayan sa Iyo ang lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
"Ang pakikipagkamay ba noon ay [kaugalian] sa mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi siya: "Oo."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ipapa-alam koba sa iyo ang pinaka-mamahal na salita para kay Allah? Katotohanan ang pinaka-mamahal na salita parakay Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Maramot ay sinumang binanggit ako sa kanya at hindi siya nagbigay ng (Dasal)Pagpapala sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinuman ang matakot ay magsigasig o magmadali siyang lumakad, at sinuman ang nagmadali ay nakakarating ng bahay, katotohanan na ang kalakal o paninda ng Allah ay mahal, katotohanan ang paninda o kalakal ng Allah ay ang Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinuman ang dumaan sa mga bagay mula sa aming mga Masjid,o tindahan, at sa kanya ay may palaso,hawakan niya ito o hawakan niya ang ulo ng palaso sa kamay niya,upang hindi tamaan ang isa sa mga muslim mula sa mga bagay na ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kabilang sa kanila ang linalamon ng apoy hanggang sa kanyang bukong-bukong,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang dalawang tuhod,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang balakang,at kabilang sa kanila ang linalamon nito hanggang sa kanyang balagat
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dalawang biyaya na binigbigyan ng halaga nang karamihan sa mga Tao ((Ang Kalusugan at Ang Kawalan ng Trabaho))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sumpa sa kaluluwa ko na nasa Kamay Niya,Kung hindi lamang kayo nagkakasala,aalisin kayo ni Allah,at papalitan [kayo] ni Allah ng mga grupo ng tao na nagkakasala,at humihingi ng kapatawaran sa Allah-Pagkataas-taas Niya,at papatawarin sila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Nagsabi ang Allah-Pagkataas-taaas Niya: O Anak ni Adan,Tunay na kapag ikaw ay nanalangin at nagsumamo sa Akin,Patatawarin Ko sa iyo ang anumang [inuulit mong kasalanan] at hindi ko ito papansinin,O Anak ni Adan,Kahit umabot pa ang iyong kasalanan sa mga ulap ng kalangitan,pagkatapos ay humingi ka sa Akin ng kapatawaran,patatawarin kita
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Dadalhin ang Impiyerno sa araw na iyon nang may pitumpong libong harnes na sa bawat harnes ay may pitumpong libong anghel na kumakaladkad sa mga ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O Allah,Patawari mo ako sa lahat ng kasalanan ko,sa kaliit-liitan nito at sa napakalaki nito,at sa una nito at sa huli nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pananalangin sa pagitan ng Azan at Iqamah ay hindi natatanggian
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Allāhumma aṣliḥ lī dīni -llādhī huwa `iṣmatu amrīy, wa aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīha ma`āshī, wa aṣliḥ lī ākhirati -llatī ilayhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī min kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, pabutihin Mo para sa akin ang pagrerelihiyon ko na siyang pananggalang sa kapakanan ko, pabutihin Mo para sa akin ang mundo ko na nasa loob nito ang kabuhayan ko, pabutihin mo sa akin ang Kabilang-buhay ko na doon ang uwian ko, gawin Mo ang buhay na karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, gawin Mo ang kamatayan ng kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O Allah, patawarin Mo ako sa pagkakamali ko, kamang-mangan ko, pagmamalabis ko sa nauukol sa akin, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Allāhumma innī as’aluka -l`āfiyata fī dīnī wa dunyāya wa ahlī wa mālī, allāhumma -stur `awrātī wa āmin raw`ātī, wa -ḥfiđnī mim bayna yadayya wa min khalfī wa `an yamīnī wa `an shimālī wa min fawqī, wa a`ūdhu bi`ađamatika an ughtāla min taḥtī (O Allah, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa relihiyon ko, pangmundong buhay ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allah, pagtakpan Mo ang mga kahihiyan ko, patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko, at pangalagaan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo upang hindi ako lamunin mula sa ilalim ko).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O Allah hinihiling ko sa Iyo ang lahat ng mabubuti maging ito man ay sa una o sa huli,Ang mga nalalaman ko rito at ang hindi ko nalalaman,At ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa lahat ng masasama,maging ito man sa una at sa huli,Ang mga nalalaman ko rito at ang hindi ko nalalaman
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O Allah, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo, pagbabago ng kalusugang dulot Mo, pambibigla ng paghihiganti Mo, at lahat ng mga ngitngit Mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa pagkadaig ng utang at madaig ng kaaway at magapi ng kalaban
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at panagalagaan-kapag siya ay kina-umagahan,sinasabi niyang:((O Allah, {sa kapahintulutan mo} sa Iyo kami ay inumagahan,at {sa kapahintulutan mo} sa Iyo kami ay ginabihan,at {sa kapahintulutan mo} kami ay nabubuhay,at {sa kapahintulutan mo} kami ay namamatay,at kami sa Iyo ay babalik)) at kapag Ginabihan,Nagsasabi siya ng tulad nito,ngunit siya ay nagsasabi [sa huli nito ng]; At kami sa Iyo ay hahantong
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Mananampalatayang malakas ay higit na mainam at kaibig-ibig kay Allah kaysa mananampalatayang mahina at sa lahat ng kabutihan,Magsumikap ka sa mga bagay na makakapag-pakinabang sa iyo,at Humiling ka ng tulong kay Allah at huwag kang mawalan ng pag-asa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang mga mapanumpa ay hindi magiging mga tagapamagitan ni mga saksi sa Araw ng Pagkabuhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang Panginoon ninyo ay mahiyain, mapagbigay; nahihiya Siya sa lingkod Niya, kapag nag-angat ito ng mga kamay nito sa Kanya, na bigyan ang mga ito ng wala.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Iwasan ninyo ang pag-upo sa mga daan,Nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Wala kaming dapat iwasan sa pag-upo namin,nag-uusap kami rito,Kapag kayo ay nagtanggi ipagkaloob ninyo ang karapatan ng daan,Nagsabi sila: Ano ang Karapatan nito?Nagsabi siya:Pagbaba sa paningin,at pagpigil sa mga nakakapinsala,at pagsagot sa pagbati,at pag-utos sa kabutihan at pagbabawal sa kasamaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang pinakamadalas na panalangin noon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay Allāhumma ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa fi -l’ākhirati ḥasanatan wa qinā `adhāba -nnār (O Allah, bigyan Mo kami sa mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda rin, at ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Apoy).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Pangulo ng pananalangin sa Kapatawaran,Ang pagsabi ng alipin sa: O Allah,Ikaw ang aking Panginoon,Walang ibang Diyos na karapa-dapat sambahin maliban sa Iyo,Ako ay Iyong nilikha at ako ay Iyong alipin,at ako ay susunod sa Iyong mga ipinag-utos at ipinangangako kong gagawin sa abot ng aking makakayanan,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan ng aking mga gawa,Tinatanggap ko ang Iyong mga biyaya sa akin at tinatanggap ko ang aking mga pagkakasala,Kaya patawarin ako,dahil katotohanan walang makakapagbigay ng kapatawaran maliban sa Iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Manatili kayo sa pagpapakatotoo sapagkat tunay na ang pagpapakatotoo ay pumapatnubay tungo sa pagpapakabuti at ang pagpapakabuti ay pumapatnubay tungo sa Paraiso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag naupo ang mga tao sa isang umpukan na hindi nila inaalaala si Allah at hindi sila dumadalangin ng pagpapala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, masasadlak sila sa panghihinayang sa Araw ng Pagkabuhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, magpakain kayo ng pagkain, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog, papasok kayo Paraiso nang may kapayapaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Nagsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya: Ako ay kasama ng lingkod Ko kapag naalaan niya Ako at gumalaw dahil sa Akin ang mga labi niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang inalok ng balanoy ay huwag tanggihan ito sapagkat ito ay magaan dalahin, mabango ang amoy.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Alin sa mga tao ang pinakamainam, o Sugo ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Katakutan ninyo ang Kawalan ng Katarungan,sapagkat ang kawalan ng Katarungan ay Dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Katakutan ninyo ang [Pagiging]Maramot;Sapagkat ang [Pagiging] Maramot ay [siyang dahilan kung bakit]Nilipon ang mga nauna sa inyo,ito ang naging dahilan nila sa pagdanak nila ng mga dugo,at ipinahintulot nila ang mga ipinagbawal sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ako ay tagapaggarantiya ng isang bahay sa paligid ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo, kahit pa man siya ay nasa tama.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Aling Islam ang pinakamaubti? Nagsabi siya: Magpakain ka ng pagkain at bumati ka ng kapayapaan sa sinumang kilala mo at hindi mo kilala.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tinanong ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa karamihan sa mga taong nakakapasok sa Paraiso?Nagsabi siya:Takot kay Allah at Magandang pag-uugali,at tinanong siya tungkol sa karamihan sa mga taong nakakapasok sa Impiyerno,Nagsabi siya: Ang bunganga at ang pribadong bahagi sa harapan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Ang sinumang nagkawanggawa ng katumbas ng isang datiles mula sa mabuting kinita - at hindi tumatanggap si Allah malibang mabuti - tunay na si Allah ay tatanggap niyon sa pamamagitan ng kanang kamay Niya. Pagkatapos ay alalagaan Niya ito para sa nagbigay nito gaya ng pag-aalaga ng isa sa inyo ng kabayong guya niya hanggang sa maging tulad ng bundok.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Kapag kinuha niya ang higaan niya,hinihihipan niya ang dalawang kamay niya,at nagbabasa siya ng mga Pagpapakupkop [Kay Allah],at nagpupunas siya nito sa katawan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Alḥamdu lillāhi -lladhī aṭ`amanā wa saqānā wa kafānā wa āwānā, fakam mimman lā kāfiya lahu wa lā mu'wiya. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay iniibig niya ang pangkalahatan mula sa mga panalangin,at iniiwan ang maliban sa mga ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
May tatlong panalangin na tintutugong walang duda hinggil sa mga ito: ang panalangin ng inapi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
May tatlong hindi sila kakausapin ni Allah sa Araw ng Pagkabuhay, hindi Niya sila dadalisayin, hindi Siya titingin sa kanila,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Sabihin mo: O Allāh, patnubayan Mo ako at itama Mo ako.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Pakinggan! Ibabalita ko ba sa inyo kung ano ang kabulaanan? Ito ay ang tsismis na pinagsasabi sa gitna ng mga tao.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag lumisan ang tatlo sa isang paglalakbay ay pamunuin nila ang isa sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag ninyong laitin ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa khayri mā fīhā wa khayri mā umirat bihi wa na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa sharri mā fīhā wa sharri mā umirat bih (O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan ng hanging ito, sa kabutihan ng nasa loob nito, at sa kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng ipinag-utos dito).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Huwag sabihin ng isa sa iyo: O Allāh, magpatawad Ka sa akin kung niloob Mo. O Allāh, maawa Ka sa akin kung niloob Mo. Tatagan niya ang paghiling sapagkat tunay na si Allāh ay walang makapipilit sa Kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Katotohanan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag pumasok siya sa sinumang binibisita niya ay nagsasabi siya;" Walang dapat ipangamba,Kalinisan sa kapahintulutan ni Allah"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Madidikitan ng malagkit na lupa ang ilong ng isang lalaki,Binanggit ako sa kanya at hindi siya nagbigay ng Dasal (Pagpapala) sa akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi noon: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min -lbaraṣi wa -ljunūni wa -ljudhāmi wa sayyi'i -l'asqām (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa an-an, kabaliwan, ketong, at masamang mga karamdaman)."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag pumunta kayo sa higaan ninyo o kapag kinuha ninyo ang tulugan ninyo, magsabi kayo ng Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila) nang tatlumpu't tatlo, magsabi kayo ng Subhān -llāh (Napakamaluwalhati ni Allāh) nang tatlumpu't tatlo, at magsabi kayo ng Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh) nang tatlumpu't tatlo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Bigkasin mo ang Qul huwa -llāhu aḥad (Sūrah 112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Sūrah 113 at Sūrah 114) kapag gumabi at kapag nagmadaling-araw nang tatlong ulit, sasapat ang mga ito sa iyo sa bawat bagay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Walang taong nagsasabi sa kinaumagahan ng bawat araw at kinagabihan ng bawat gabi: Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allāh na walang makapipinsala sa pangalan Niya na anumang bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakaaalam) nang tatlong ulit malibang hindi siya mapipinsala ng anuman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
May nagsabing isang lalaki: O Sugo ni Allah, ang lalaki sa amin ay nakikipagtagpo sa kapatid niya o kaibigan niya, yuyuko ba siya roon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Nagsabi ako: O Sugo ni Allāh, turuan mo po ako ng isang panalangin. Nagsabi siya: Sabihin mo: "Allāhumma, innī a`dhu bika min sharri sam`ī wa min sharri baṣarī wa min sharri lisānī wa min sharri qalbī wa min sharri manīyī. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng pandinig ko, laban sa kasamaan ng paningin ko, laban sa kasamaan ng dila ko, laban sa kasamaan ng puso ko, at laban sa kasamaan ng maselang bahagi ko.)"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng butil ng alikabok na pagmamalaki.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Walang pinapakinggan si Allah tulad ng pakikinig Niya(sa pagbasa)ng Propeta sa napakaganda nitong boses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Kapag may dalawang Muslim na nagkasalubong at nagkamayan, patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
Mga Pag-papaluwalhati na hindi Nagsisisi at Nabibigo ang taga-pagsalita nito O Nagsagawa nito sa likod nang bawat dasal na naitalaga.