+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«اللهُمَّ أَصْلِحْ لِي دِينِي الَّذِي هُوَ عِصْمَةُ أَمْرِي، وَأَصْلِحْ لِي دُنْيَايَ الَّتِي فِيهَا مَعَاشِي، وَأَصْلِحْ لِي آخِرَتِي الَّتِي فِيهَا مَعَادِي، وَاجْعَلِ الْحَيَاةَ زِيَادَةً لِي فِي كُلِّ خَيْرٍ، وَاجْعَلِ الْمَوْتَ رَاحَةً لِي مِنْ كُلِّ شَرٍّ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2720]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi:
"Allāhumma aṣliḥ lī dīni -llādhī huwa `iṣmatu amrī, wa-aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīhā ma`āshī, wa-aṣliḥ lī ākhirati -llatī fīhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī fī kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, isaayos Mo para sa akin ang buhay panrelihiyon ko, na ito ay pananggalang ng nauukol sa akin; isaayos Mo para sa akin ang buhay pangmundo ko, na narito ang kabuhayan ko; isaayos Mo para sa akin ang buhay na pangkabilang-buhay ko, na naroon ang balikan ko, gawin Mo ang buhay bilang karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, at gawin Mo ang kamatayan bilang kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.)"}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2720]

Ang pagpapaliwanag

Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang panalangin na nagtipon siya rito ng mga saligan ng mararangal sa mga kaasalan na ipinadala siya para sa paglubos sa mga ito. Ang mga ito ay ang kaayusan ng buhay panrelihiyon, buhay pangmundo, at buhay pangkabilang-buhay. Hinango niya sa maiksing pananalitang ito ang tatlong masaklaw. Nagsimula siya sa kaayusan ng buhay panrelihiyon at sa pamamagitan nito ang kaayusan ng kalagayan sa Mundo at Kabilang-buhay:
"Allāhumma aṣliḥ lī dīnī (O Allāh, isaayos Mo para sa akin ang buhay panrelihiyon ko)" sa pamamagitan ng pagtutuon sa akin sa pagsasagawa ng mga etiketa rito sa paraang pinakalubos na pinakaganap.
"[a]llādhī huwa `iṣmatu amrī, (na ito ay pananggalang ng nauukol sa akin)" at tagapag-ingat ng lahat ng mga nauukol sa akin sapagkat kung nasira ang buhay pangrelihiyon ko, masisira ang mga nauukol sa akin, magririmarim ang mga ito, at malulugi ang mga ito at dahil hindi naisasagawa ang kaayusan ng buhay panrelihiyong hinihiling kundi sa pamamagitan ng buhay pangmundo, saka nagsabi siya:
"wa-aṣliḥ lī dunyāya (isaayos Mo para sa akin ang buhay pangmundo ko)" sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng kalusugan ng katawan, katiwasayan, panustos, maayos na kabiyak, kaaya-ayang supling, at anumang kakailanganin ko, na magiging ipinahihintulot at tagatulong sa pagtalima sa Iyo. Pagkataos binanggit niya ang katwiran sa paghiling ng pagsasaayos dito sa pamamagitan ng pagsabi:
"[a]llatī fīhā ma`āshī (na narito ang kabuhayan ko)"
"wa-aṣliḥ lī ākhirati -llatī fīhā ma`ādī isaayos Mo para sa akin ang buhay na pangkabilang-buhay ko, na naroon ang balikan ko" at pagbabalik ko sa pakikipagkita sa Iyo. Iyon ay sa pamamagitan ng kaayusan ng mga gawain at pagtutuon ni Allāh sa tao sa pagsamba, pagpapakawagas, at kagandahan ng wakas.
Isinunod ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang Kabilang-buhay matapos ng Mundo yayamang ang Una ay ang kaparaanan sa pagsasaayos sa Ikalawa. Kaya ang sinumang natuwid sa buhay pangmundo niya alinsunod sa ninanais ni Allāh, matutuwid para sa kanya ang buhay pangkabilang-buhay niya at liligaya siya roon.
"wa-j`ali -lḥayāta (gawin Mo ang buhay)"at ang haba ng edad "ziyādatan lī fī kulli khayr (bilang karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan)" na magpapakarami ako dito ng mga gawang maayos. "wa-j`ali -lmawta (at gawin Mo ang kamatayan)" at ang pagmamadali rito "rāḥatan lī min kulli sharr (bilang kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan)," tukso, pighati, at pagsubok dahil sa pagsuway at pagkalingat, bilang kaligtasan mula sa hirap ng Mundo at mga bagabag nito, at bilang pagtamo ng kapahingahan.

من فوائد الحديث

  1. Ang Relihiyon ay pinakamahalagang bagay. Dahil dito, nagsimula rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panalangin.
  2. Ang Relihiyon ay pananggalang para sa tao, na pumipigil sa kanya sa bawat kasamaan.
  3. Ang pagdalangin ng mga bagay-bagay na pangmundo alang-alang sa kaayusan ng buhay pangmundo at buhay pangkabilang-buhay.
  4. Hindi kinasusuklaman ang pagmimithi ng kamatayan dala ng pangamba sa pagsubok sa buhay panrelihiyon o ang paghiling kay Allāh ng kamatayan sa pagsaksi sa pananampalataya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الليتوانية الدرية الصربية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin