+ -

عن أبي موسى الأشعري –رضي الله عنه- عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه كان يدعو بهذا الدعاء: «اللهم اغفر لي خطيئتي وجهلي، وإسرافي في أمري، وما أنت أعلم به مني، اللهم اغفر لي جِدِّي وَهَزْلِي، وَخَطَئِي وَعَمْدِي ،وكل ذلك عندي، اللهم اغفر لي ما قدمت وما أخرت، وما أسررت وما أعلنت، وما أنت أعلم به مني، أنت الْمُقَدِّمُ وأنت الْمُؤَخِّرُ، وأنت على كل شيء قدير».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya: "O Allah, patawarin Mo ako sa pagkakamali ko, kamang-mangan ko, pagmamalabis ko sa nauukol sa akin, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. O Allah, patawarin Mo ako sa dibdibang kasalanan ko at pabirong kasalanan ko, at sa pagkakamali ko at sinasadya ko. Lahat ng iyon ay sa akin. O Allah, patawarin mo ako sa anumang kasalanang ipinauna ko at ipinahuli ko, anumang inilihim ko at anumang inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. Ikaw ang nagpapauna at Ikaw ang nagpapahuli. Ikaw sa bawat bagay ay nakakakaya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumadalangin sa pamamagitan nitong mga pananalitang dakilang naglalaman ng paghiling ng kapatawaran mula kay Allah, pagktaas-taas Niya, para sa bawat pagkakasala at pagkakamali maging ano man ang hugis nito at anyo nito, kalakip ng pagpapakumbaba at pagkalumbay sa harap ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas. Kaya karapat-dapat sa Muslim na dumalangin kay Allah, pagkataa-taas Niya, sa pamamagitan ng panalanging ito bilang pagtulad sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Tamil Thailand Aleman Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية النيبالية الرومانية Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin