عن عائشة رضي الله عنها عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«إِنَّ أَبْغَضَ الرِّجَالِ إِلَى اللهِ الْأَلَدُّ الْخَصِمُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2457]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa mga lalaki para kay Allāh ay ang pinakapalaban sa mga kaalitan."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2457]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nasusuklam sa mga tao na matindi at madalas ang pakikipag-alitan, na hindi tumatanggap ng pagpapaakay sa katotohanan at nagtatangkang magtulak nito sa pamamagitan ng pakikipagtalo, o nakikipag-alitan sa katotohanan subalit nagpapalabis-labis siya sa pakikipag-alitan, lumalabas sa hangganan ng pagkamakatarungan, at nakikipagtalo nang walang kaalaman.