عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم قَالَ:
«إِيَّاكُمْ وَالظَّنَّ؛ فَإِنَّ الظَّنَّ أَكْذَبُ الْحَدِيثِ، وَلَا تَحَسَّسُوا، وَلَا تَجَسَّسُوا، وَلَا تَحَاسَدُوا، وَلَا تَدَابَرُوا، وَلَا تَبَاغَضُوا، وَكُونُوا عِبَادَ اللهِ إِخْوَانًا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6064]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Kaingat kayo sa pagpapalagay sapagkat tunay na ang pagpapalagay ay pinakasinungaling na pag-uusap. Huwag kayong maghanap ng kasiraan, huwag kayong maniktik, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at huwag kayong magmuhian. Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6064]
Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagbibigay-babala laban sa ilan sa nauuwi sa pagkakawatak-watak at away sa pagitan ng mga Muslim. Kabilang doon:
Ang Pagpapalagay. Ito ay ang paghihinalang nagaganap sa puso nang walang patunay. Nilinaw niya na ito ay kabilang sa pinakasinungaling na pag-uusap.
Ang Paghahanap ng Kasiraan. Ito ay ang pagsasaliksik ng mga kahihiyan ng mga tao sa pamamagitan ng mata o tainga.
Ang Paniniktik. Ito ay ang pagsasaliksik ng nakakubli na mga bagay-bagay. Pinakamadalas na itinatawag iyon sa kasamaan.
Ang Inggit. Ito ay ang pagkasuklam sa pagkatamo ng biyaya ng mga ibang tao.
Ang Pagtatalikuran. Ito ay sa pamamagitan ng pag-ayaw sa isa't isa sa kanila kaya hindi bumabati at hindi dumadalaw sa kapatid niyang Muslim.
Ang Pagmumuhian. Ang pagkasuklam at ang paglayo ng loob gaya ng pagperhuwisyo sa mga ibang tao, pagsimangot, at kasagwaan ng pakikipagharap.
Pagkatapos nagsabi siya ng isang pangungusap na tagapagbuklod na magsasaayos sa pamamagitan nito sa mga kalagayan ng mga Muslim sa isa't isa sa kanila: "Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid." Ang kapatiran ay isang bigkis na natutugma sa pamamagitan nito ang mga ugnayan sa pagitan ng mga tao at nagdaragdag ng pag-ibig at pagkapalagayang-loob sa pagitan nila.