عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: "اجتنبوا السبع المُوبِقَات، قالوا: يا رسول الله، وما هُنَّ؟ قال: الشركُ بالله، والسحرُ، وقَتْلُ النفسِ التي حَرَّمَ الله إلا بالحق، وأكلُ الرِّبا، وأكلُ مالِ اليتيم، والتَّوَلّي يومَ الزَّحْفِ، وقذفُ المحصناتِ الغَافِلات المؤمنات".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Iwasan ninyo ang pitong nakapapahamak." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pakikinabang sa patubuan, ang pakikinabang sa yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang puri sa mga babaing malinis, na inosente, na mananampalataya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Kalipunan niya ang paglayo sa pitong krimeng nakapapahamak. Noong tinanong siya kung ano ang mga ito, nilinaw niya na ang mga ito ay ang pagtatambal kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng mga karibal para sa kanya sa anumang anyo at nagsimula siya sa shirk (pagtatambal) dahil ito ay ang pinakamabigat sa mga pagkakasala, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh ang pagpatay rito malibang ayon sa katwirang ayon sa batas ng Islām, ang panggagaway, ang pagtanggap ng patubuan sa pamamagitan ng pakikinabang o iba pang mga anyo ng pakikinabang, ang paglabag sa yaman ng batang namatayan ng ama, ang pagtakas sa labanan sa mga Kāfir, at ang pagpaparatang ng pangangalunya sa mga malayang babaing mabibini.