Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

"Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?"* nang makatatlo. Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh at ang kasutilan sa mga magulang." Umupo siya. Siya kanina ay nakasandal, saka nagsabi siya: "Pansinin, ang pagsasabi ng kabulaanan." Hindi siya tumigil na nag-uulit-ulit niyon hanggang sa nagsabi kami na kung sana siya ay natahimik na.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Ang malalaking kasalanan ay ang pagtatambal kay Allāh, ang kasutilan sa mga magulang, ang pagpatay ng buhay, at ang panunumpang mapagpalublob."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi."* Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng dalawang tabak nilang dalawa, ang pumatay at ang pinatay ay sa Impiyerno."* Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, [gayon nga] ang pumatay na ito, ngunit ano po naman ang kinalaman ng pinatay?" Nagsabi siya: "Tunay na siya ay masigasig sa pagpatay sa kasamahan niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kahalintulad ng mabuting kaibigan at masamang kaibigan,ay tulad ng nagdadala ng pabango,at nag-iihip ng pugon,Kaya`t ang nagdadala ng pabango;maaari ka niyang mabigyan,o maaari ka niyang mapagbibintahan,o maaaring makakakatagpo ka sa kanya ng mabangong humahalimuyak,Samantalang ang nag-iihip ng pugon;maaaring masunog nito ang iyong mga damit o maaaring makakatagpo ka ng masamang hangin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang buhay na nakikitil nang walang katarungan maliban sa ang unang anak ni Adan ay magtatamasa ng bahagi sa pagpatay sa kanya,Dahil siya ang unang gumawa ng pagkitil ng buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinanong ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa karamihan sa mga taong nakakapasok sa Paraiso?Nagsabi siya:Takot kay Allah at Magandang pag-uugali,at tinanong siya tungkol sa karamihan sa mga taong nakakapasok sa Impiyerno,Nagsabi siya: Ang bunganga at ang pribadong bahagi sa harapan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pakinggan! Ibabalita ko ba sa inyo kung ano ang kabulaanan? Ito ay ang tsismis na pinagsasabi sa gitna ng mga tao.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kalembang ay kagamitang pantugtog ng Demonyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
:
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang aking alipin-minadali niya sa Akin ang kanyang sarili-Ipinagbawal ko sa kanya ang Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah, ano po ang tingin mo kung may dumating na isang lalaking nagnanais na kunin ang ari-arian ko? Nagsabi siya: Huwag mong ibigay ang ari-arian mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noong iniakyat ako [sa langit], napadaan ako sa mga taong mayroong mga kukong yari sa tanso, na ikinakalmot nila sa mga mukha nila at mga dibdib nila kaya nagsabi ako: Sino ang mga ito, o Jibrīl? Nagsabi siya: Ang mga ito ay ang mga kumakain ng mga karne ng mga tao at mga naninira sa mga dangal nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng parusa, dadapuan ng parusa ang sinumang nasa kanila. Pagkatapos ay bubuhayin sila ayon sa mga gawa nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu