+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه مرفوعاً: «لما عُرِجَ بي مَرَرْتُ بقوم لهم أظْفَارٌ من نُحَاسٍ يَخْمِشُونَ وُجُوهَهُمْ وَصُدُورَهُم فقلت: مَنْ هؤُلاءِ يا جِبْرِيل؟ قال: هؤلاء الذين يَأكُلُونَ لحُوم الناس، ويَقَعُون في أعْرَاضِهم!».
[حسن] - [رواه أبو داود وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Noong iniakyat ako [sa langit], napadaan ako sa mga taong mayroong mga kukong yari sa tanso, na ikinakalmot nila sa mga mukha nila at mga dibdib nila kaya nagsabi ako: Sino ang mga ito, o Jibrīl? Nagsabi siya: Ang mga ito ay ang mga kumakain ng mga karne ng mga tao at mga naninira sa mga dangal nila."
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, noong iniakyat siya sa langit, ay napadaan sa mga taong nagkakalmot sa mga katawan nila ng mga kuko nilang tanso. Nagulat siya sa kalagayan nila at tinanong niya si Jibrīl kung sino ang mga ito at kung bakit nila ginagawa sa mga sarili nila ang gawaing ito. Ipinabatid sa kanya ni Anghel Jibrīl na ang mga ito ay ang mga nanlilibak sa mga tao at mga naninira sa mga dangal nila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin