عن أبي بَكرة رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«إِذَا الْتَقَى الْمُسْلِمَانِ بِسَيْفَيْهِمَا فَالْقَاتِلُ وَالْمَقْتُولُ فِي النَّارِ»، فَقُلْتُ: يَا رَسُولَ اللهِ هَذَا الْقَاتِلُ، فَمَا بَالُ الْمَقْتُولِ؟ قَالَ: «إِنَّهُ كَانَ حَرِيصًا عَلَى قَتْلِ صَاحِبِهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 31]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng dalawang tabak nilang dalawa, ang pumatay at ang pinatay ay sa Impiyerno." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, [gayon nga] ang pumatay na ito, ngunit ano po naman ang kinalaman ng pinatay?" Nagsabi siya: "Tunay na siya ay masigasig sa pagpatay sa kasamahan niya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 31]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng dalawang tabak nilang dalawa, habang nagpapakay ang bawat isa sa kanilang dalawa ng pagpaslang sa kapwa niya, ang pumatay ay sa Impiyerno dahilan sa pagsasagawa niya ng pagpatay sa kapwa niya. Naguluhan ang mga Kasamahan sa pinatay. Papaanong mapupunta siya sa Impiyerno? Kaya nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya rin ay sa Impiyerno dahil sa pagsisigasig niya sa pagpatay sa kapwa niya. Walang nakapigil sa kanya sa pagkapatay kundi ang pagkakasagawa ng pumatay at ang pagkauna nito sa kanya.