عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «إنَّ الله لا ينْظُرُ إِلى أجْسَامِكُمْ، ولا إِلى صُوَرِكمْ، وَلَكن ينْظُرُ إلى قُلُوبِكمْ وأعمالكم».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abu Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga katawan ninyo ni sa mga anyo ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Tunay na si Allāh ay hindi gumagantimpala sa inyo ni gumaganti sa inyo dahil sa mga katawan ninyo at mga anyo ninyo at hindi natatamo para sa inyo ang pagkakalapit sa Kanya, napakamaluwalhati Niya, sa pamamagitan niyon subalit natatamo ang pagganti dahil sa nasa mga puso ninyo na kawagasan at katapatan at dahil sa mga gawang matutuwid na isinasagawa ninyo.