عن عبادة بن الصامت رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم "مَنْ شهِد أنْ لا إله إلا الله وحده لا شرِيك له وأنَّ محمَّدا عبده ورسُولُه، وأنَّ عِيسى عبدُ الله ورسُولُه وكَلِمَتُه أَلقَاها إِلى مريم ورُوُحٌ مِنه، والجنَّة حَقٌّ والنَّار حقٌّ، أَدْخَلَه الله الجنَّة على ما كان مِنَ العمَل".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ubbadah bin Samit-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-"Sinuman ang magsaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Siya ay Nag-iisa at walang katambal sa Kanya,at katotohanan na si Muhammad ay Propeta at Sugo Niya,at Katotohanang si 'Esah ay propeta ng Allah at Sugo Niya at Ang Salita Niya ay iginawad Niya kay Maryam at ang isang espirito nito (na kanyang nilikha),At ang Paraiso ay totoo,At ang Impiyerno ay totoo,Papapasukin siya ni Allah sa Paraiso, dahil sa mga gawain nito"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapahayag sa atin ng Hadith na ito,Na sinuman ang bumigkas ng salitang Kaisahan (sa pananampalataya Kay Allah) at naintindihan niya ang kahulugan nito,at isinagawa niya ang mga hatol nito,at Sinaksihan niya ang pagiging alipin ni Muhammad pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at ang Mensahe niya,at Tinanggap niya ang pagiging alipin ni 'Esah at Ang Mensahe niya,at tunay na siya ay nilikha mula sa salitang(mangyari) kay Maryam,at naniwala siya sa pagiging inosente ng Ina niya laban sa ibinibintang sa kanya ng mga kalaban na Hudyo,At naniwala siya na mayroong Paraiso para sa mananampalataya,at mayroong Impiyerno para sa mga walang-pananampalataya,at namatay siya doon,papapasukin siya sa Paraiso dahil sa mga gawain nito.