عَنْ عَبْدِ اللهِ بنِ عُمَر رضي الله عنهما قال: قال رسولُ الله صلى الله عليه وسلم:
«بُنِيَ الْإِسْلَامُ عَلَى خَمْسٍ: شَهَادَةِ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، وَأَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ، وَإِقَامِ الصَّلَاةِ، وَإِيتَاءِ الزَّكَاةِ، وَحَجِّ الْبَيْتِ، وَصَوْمِ رَمَضَانَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 16]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 16]
Iwinangis ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang Islām sa isang estrukturang matibay sa pamamagitan ng limang haligi nitong nagdadala ng gusaling iyon. Ang nalalabi sa mga kakanyahan ng Islām ay gaya ng panlubos ng gusali. Ang kauna-unahan sa mga haliging ito ay ang Dalawang Pagsaksi: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, na iisang haliging hindi nakakakalas ang isa sa dalawang ito sa isa pa. Bumibigkas ang tao ng dalawang ito habang kumikilala sa kaisahan ni Allāh at pagkakarapat-dapat Niya sa pagsamba – tanging Siya bukod sa iba sa Kanya – habang gumagawa sa hinihiling nito, at habang sumasampalataya sa mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang sumusunod sa kanya. Ang Ikalawang Haligi: Ang Pagpapanatili sa Ṣalāh. Ito ay ang limang ṣalāh na isinatungkulin sa araw at gabi: ang fajr (madaling-araw), ang ḍ̆uhr (tanghali), ang `aṣr (hapon), ang maghrib (paglubog ng araw), at ang `ishā' (gabi) kalakip ng mga kundisyon ng mga ito, mga haligi ng mga ito, at mga kinailangan sa mga ito. Ang Ikatlong Haligi: Ang Pagpapalabas ng Zakāh na Isinatungkulin. Ito ay isang pagsambang pampananalapi na kinakailangan sa bawat yaman na umabot sa isang halagang tinakdaan sa Batas ng Islām, na ibinibigay sa mga karapat-dapat dito. Ang Ikaapat na Haligi: Ang Ḥajj. Ito ay ang pagsasadya sa Makkah para sa pagsasagawa ng mga gawaing pangsamba bilang pagpapakamananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang Ikalimang Haligi: Ang Pag-aayuno sa Ramaḍān. Ito ay ang pagpipigil sa pagkain, pag-inom, at iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga tagapagpatigil-ayuno, nang may layunin ng pagpapakamananamba kay Allāh, mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw.