+ -

عن المقدام بن معدِيْكَرِب رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«أَلَا هَلْ عَسَى رَجُلٌ يَبْلُغُهُ الْحَدِيثُ عَنِّي وَهُوَ مُتَّكِئٌ عَلَى أَرِيكَتِهِ فَيَقُولُ: بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ كِتَابُ اللهِ، فَمَا وَجَدْنَا فِيهِ حَلَالًا اسْتَحْلَلْنَاهُ، وَمَا وَجَدْنَا فِيهِ حَرَامًا حَرَّمْنَاهُ، وَإِنَّ مَا حَرَّمَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَمَا حَرَّمَ اللهُ».

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه] - [سنن الترمذي: 2664]
المزيــد ...

Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Pansinin, nalalapit na may isang lalaking aabot sa kanya ang ḥadīth tungkol sa akin habang siya ay nakasandal sa sopa niya saka magsasabi siya: 'Sa pagitan namin at ninyo ay Aklat ni Allāh, kaya ang anumang natagpuan namin dito bilang ipinahihintulot ay magsasapahintulot kami at ang anumang natagpuan dito bilang ipinagbabawal ay magsasabawal kami nito.' Tunay na ang anumang ipinagbawal ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gaya ng ipinagbawal ni Allāh."}

[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 2664]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nalapit na ang isang panahon na doon ay may isang uri ng mga tao na nakaupo, na ang isa sa kanila ay nakasandal sa sopa niya, na umaabot sa kanya ang ḥadīth tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka magsasabi: "Ang naghihiwalay sa pagitan namin at ninyo sa mga bagay-bagay ay ang Marangal na Qur'ān kaya ito ay nakasasapat na sa amin sapagkat ang anumang natagpuan namin dito na ipinahihintulot ay gumagawa kami ayon doon at ang anumang natagpuan namin dito na bawal ay lumalayo kami roon." Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat bagay na ipinagbawal niya o sinaway niya sa Sunnah niya, ito sa kahatulan ay tulad ng ipinagbawal ni Allāh sa Aklat Nito dahil siya ay ang tagapagpaabot tungkol sa Panginoon niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagdakila sa Sunnah kung paanong dinadakila ang Qur'ān at isinasaalang-alang.
  2. Ang pagtalima sa Sugo ay isang pagtalima kay Allāh at ang pagsuway sa kanya ay isang pagsuway kay Allāh (napakataas Siya).
  3. Ang pagkatibay ng katwiran ng sunnah at ang pagtutol sa sinumang tumututol sa mga sunnah o nagkakaila sa mga ito.
  4. Ang sinumang umayaw sa sunnah at nag-angkin ng pagkakasya sa Qur'ān, siya ay isang tagaayaw sa dalawang ito nang lahatan, na isang sinungaling sa pag-aangkin ng pagsunod sa Qur'ān.
  5. Kabilang sa mga katunayan ng pagkapropeta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapabatid niya tungkol sa isang bagay na magaganap sa hinaharap at naganap gaya ng ipinabatid niya.
Ang karagdagan