+ -

عن أبي مالكٍ الأشعريِّ رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«الطُّهُورُ شَطْرُ الْإِيمَانِ، وَالْحَمْدُ لِلهِ تَمْلَأُ الْمِيزَانَ، وَسُبْحَانَ اللهِ وَالْحَمْدُ لِلهِ تَمْلَآنِ -أَوْ تَمْلَأُ- مَا بَيْنَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ، وَالصَّلَاةُ نُورٌ، وَالصَّدَقَةُ بُرْهَانٌ، وَالصَّبْرُ ضِيَاءٌ، وَالْقُرْآنُ حُجَّةٌ لَكَ أَوْ عَلَيْكَ، كُلُّ النَّاسِ يَغْدُو، فَبَايِعٌ نَفْسَهُ فَمُعْتِقُهَا أَوْ مُوبِقُهَا».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 223]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 223]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kadalisayan ng nakalantad ay sa pamamagitan ng wuḍū' at ghusl at ito ay isang kundisyon sa ṣalāh. Ang pagsasabi ng: "alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)" ay pumupuno ng timbangan. Ang pagbubunyi sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) at ang paglalarawan sa Kanya ng kalubusan ay titimbangin sa Araw ng Pagbangon saka pupuno sa timbangan ng mga gawa. Ang pagsasabi ng: "subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)" – ang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa bawat kakulangan at ang paglalarawan sa Kanya ng ganap na pagkalubos na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya – pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. "Ang pagdarasal ay liwanag" ay para sa tao sa puso niya, sa mukha niya, sa libingan niya, at sa pagkalap sa kanya. "Ang kawanggawa ay patotoo" at patunay sa katapatan ng pananampalataya ng mananampalataya at pagkakaiba niya sa mapagpaimbabaw na nagpipigil nito dahil sa pagiging siya ay hindi naniniwala sa ipinangako rito. "Ang pagtitiis ay tanglaw" – ang pagpipigil ng sarili laban sa pagkaligalig at pagkainis – at liwanag na nagtatamo rito ng kainitan at pagsunog, gaya ng tanglaw ng araw, dahil ito ay mahirap at nangangailangan ng pakikibaka sa sarili at pagpigil dito sa pinipithaya nito. Kaya naman hindi tumitigil ang nagtataglay nito na nagpapatanglaw, na napapatnubayan, na nagpapatuloy sa tama. Ito ay pagtitiis sa pagtalima kay Allāh at laban sa pagsuway sa Kanya, at pagtitiis sa mga kasawiang-palad at mga uri ng mga kinasusuklaman sa Mundo. "Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo" sa pamamagitan ng pagbigkas nito at paggawa ayon dito o "laban sa iyo" sa pamamagitan ng pag-iwan nito nang walang paggawa o pagbigkas. Pagkatapos nagpabatid siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lahat ng mga tao ay nagpupunyagi, naglilipana, bumabangon mula sa pagkatulog, at lumalabas ng mga bahay nila para sa mga magkakaiba-ibang gawain. Mayroon sa kanila na nagpapakatuwid sa pagtalima kay Allāh kaya naman magpapalaya siya sa sarili niya mula sa impiyerno at mayroon sa kanila na nalilihis palayo roon at nasasadlak sa mga pagsuway kaya naman magpapahamak siya sa sarili niya dahil sa pagpasok nito sa Impiyerno.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kadalisayan ay dalawang kadalisayan: kadalisayan ng nakalantad, na sa pamamagitan ng wuḍū' at ghusl; at kadalisayan ng nakakubli, na sa pamamagitan ng Tawḥīd, pananampalataya, at maayos na gawa.
  2. Ang kahalagahan ng pangangalaga sa ṣalāh sapagkat ito ay isang liwanag para sa tao sa Mundo at Araw ng Pagbangon.
  3. Ang kawanggawa ay patunay sa katapatan ng pananampalataya.
  4. Ang kahalagahan ng pagsasagawa ayon sa Qur'ān at paniniwala rito upang ito ay maging isang katwiran para sa iyo hindi laban sa iyo.
  5. Ang sarili, kung hindi ka nagpaabala rito sa pagsunod, ay magpapaabala sa iyo sa pagsuway.
  6. Ang bawat tao ay hindi makaiiwas na gumawa sapagkat maaaring magpalaya siya sa sarili niya sa pamamagitan ng pagtalima o magpahamak nito sa pamamagitan ng pagsuway.
  7. Ang pagtitiis ay nangangailangan ng pagbata at pag-asa na gantimpalaan. Dito ay may pahirap.