Ang kategorya: Ang Pinaniniwalaan .
+ -

عن أبي ذر رضي الله عنه:
عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِيمَا رَوَى عَنِ اللهِ تَبَارَكَ وَتَعَالَى أَنَّهُ قَالَ: «يَا عِبَادِي إِنِّي حَرَّمْتُ الظُّلْمَ عَلَى نَفْسِي، وَجَعَلْتُهُ بَيْنَكُمْ مُحَرَّمًا، فَلَا تَظَالَمُوا، يَا عِبَادِي كُلُّكُمْ ضَالٌّ إِلَّا مَنْ هَدَيْتُهُ، فَاسْتَهْدُونِي أَهْدِكُمْ، يَا عِبَادِي كُلُّكُمْ جَائِعٌ إِلَّا مَنْ أَطْعَمْتُهُ، فَاسْتَطْعِمُونِي أُطْعِمْكُمْ، يَا عِبَادِي كُلُّكُمْ عَارٍ إِلَّا مَنْ كَسَوْتُهُ، فَاسْتَكْسُونِي أَكْسُكُمْ، يَا عِبَادِي إِنَّكُمْ تُخْطِئُونَ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَأَنَا أَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَمِيعًا فَاسْتَغْفِرُونِي أَغْفِرْ لَكُمْ، يَا عِبَادِي إِنَّكُمْ لَنْ تَبْلُغُوا ضَرِّي فَتَضُرُّونِي، وَلَنْ تَبْلُغُوا نَفْعِي فَتَنْفَعُونِي، يَا عِبَادِي لَوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وَآخِرَكُمْ وَإِنْسَكُمْ وَجِنَّكُمْ كَانُوا عَلَى أَتْقَى قَلْبِ رَجُلٍ وَاحِدٍ مِنْكُمْ مَا زَادَ ذَلِكَ فِي مُلْكِي شَيْئًا، يَا عِبَادِي لَوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وَآخِرَكُمْ وَإِنْسَكُمْ وَجِنَّكُمْ كَانُوا عَلَى أَفْجَرِ قَلْبِ رَجُلٍ وَاحِدٍ مَا نَقَصَ ذَلِكَ مِنْ مُلْكِي شَيْئًا، يَا عِبَادِي لَوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وَآخِرَكُمْ وَإِنْسَكُمْ وَجِنَّكُمْ قَامُوا فِي صَعِيدٍ وَاحِدٍ فَسَأَلُونِي فَأَعْطَيْتُ كُلَّ إِنْسَانٍ مَسْأَلَتَهُ مَا نَقَصَ ذَلِكَ مِمَّا عِنْدِي إِلَّا كَمَا يَنْقُصُ الْمِخْيَطُ إِذَا أُدْخِلَ الْبَحْرَ، يَا عِبَادِي إِنَّمَا هِيَ أَعْمَالُكُمْ أُحْصِيهَا لَكُمْ ثُمَّ أُوَفِّيكُمْ إِيَّاهَا، فَمَنْ وَجَدَ خَيْرًا فَلْيَحْمَدِ اللهَ، وَمَنْ وَجَدَ غَيْرَ ذَلِكَ فَلَا يَلُومَنَّ إِلَّا نَفْسَهُ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2577]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya):
{Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas): "O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw maliban sa sinumang pinatnubayan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng patnubay, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya humiling kayo sa akin ng makakain, pakakainin Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban sa pinadamitan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng maidadamit, dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan; kaya humingi kayo sa Akin ng tawad, patatawarin Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makapagpapaabot ng pinsala sa Akin para mapinsala ninyo Ako at hindi makapagpapaabot ng pakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makadaragdag iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makababawas iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay tumayo sa iisang kapatagan at humingi sa Akin, at magbibigay Ako sa bawat isa ng hiningi niya, hindi makababawas iyon mula sa taglay Ko malibang gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito sa dagat. O mga lingkod Ko, ang mga ito ay mga gawa ninyo lamang na binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos tutumbasan Ko kayo sa mga ito." Kaya ang sinumang nakatagpo ng isang kabutihan ay magpuri siya kay Allāh at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2577]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nagsabi na Siya ay nagbawal sa sarili Niya ng pang-aapi at gumawa sa pang-aapi bilang ipinagbabawal sa pagitan ng mga nilikha Niya kaya huwag mang-api ang isa sa isa pa; na ang mga nilikha sa kalahatan nila ay mga naliligaw palayo sa daan ng katotohanan malibang may kapatnubayan ni Allāh at pagtutuon Niya, na ang sinumang humingi nito sa Kanya ay magtutuon Siya rito at magpapatnubay Siya rito; na ang mga nilikha ay mga maralita kay Allāh, na mga nangangailangan sa Kanya sa lahat ng mga pangangailangan nila, na ang sinumang humingi nito sa Kanya ay tutugon Siya sa pangangailangan nito at magbibigy-kasapatan Siya rito; na sila ay nagkakasala sa gabi at maghapon samantalang si Allāh (napakataas Siya) ay nagtatakip at nagpapalampas sa sandali ng paghiling ng tao ng kapatawaran; na sila ay hindi nakakakaya na maminsala kay Allāh o magpakinabang sa Kanya ng anuman; na kung sakaling sila ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang tao, hindi makadaragdag ang pangingilag magkasala nila sa paghahari ni Allāh; at kung sakaling sila ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang tao, hindi makababawas ng anuman ang kasamaang-loob nila mula sa paghahari Niya dahil sila ay mga mahinang maralita kay Allāh, na mga nangangailangan sa Kanya sa bawat kalagayan, panahon, at lugar samantalang Siya ay ang Walang-pangangailangan (kaluwalhatian sa Kanya); na sila, kung sakaling tumayo sila sa iisang tayuan: ang tao sa kanila at ang jinn sa kanila, ang una sa kanila at ang huli sa kanila, habang humihingi kay Allāh, magbibigay Siya sa bawat isa sa kanila ng hiningi nito, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa taglay ni Allāh, na gaya ng karayom kung ipinasok ito sa dagat pagkatapos inilabas ito ay hindi mababawasan ang dagat dahil doon ng anuman – at ito ay dahil sa kalubusan ng kawalang-pangangailangan Niya (kaluwalhatian sa Kanya);
na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nag-iingat sa mga gawa ng mga tao at mag-iisa-isa ng mga ito sa kanila, pagkatapos magtutumbas Siya sa kanila sa mga ito sa Araw ng Pagbangon, kaya ang sinumang makatatagpo sa ganti sa gawa niya bilang mabuti ay magpuri siya kay Allāh sa pagtutuon sa kanya sa pagtalima kay Allāh at ang sinumang makatatagpo sa ganti sa gawa niya bilang anumang iba pa roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niyang palautos sa kasagwaan na umakay sa kanya tungo sa pagkalugi.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa isinaysay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya. Tinatawag ito na banal o pandiyos na ḥadīth (ḥadīth qudsīy), na ang pananalita nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh. Gayon pa man wala ritong mga kakanyahan ng Qur'ān na ikinabukod ng Qur'ān sa iba pa gaya ng pagpapakamananamba sa pamamagitan ng pagbigkas ng Qur'ān, pagdadalisay para rito, paghahamon nito, pagkamahimala nito, at iba pa roon.
  2. Ang nangyayari sa mga tao na kaalaman o pagkapatnubay ay dahil sa kapatnubayan ni Allāh at pagtuturo Niya.
  3. Ang anumang dumapo sa tao na kabutihan ay mula sa kabutihang-loob ni Allāh at ang anumang dumapo sa kanya na kasamaan ay mula sa sarili niya at pithaya niya.
  4. Ang sinumang gumawa ng maganda ay dahil sa pagtutuon ni Allāh. Ang ganti rito ay isang kabutihang-loob mula kay Allāh kaya ukol sa Kanya ang papuri. Ang sinumang gumawa ng masagwa ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.
Ang karagdagan