عن عبد الله بن عمرو رضي الله عنهما أن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«الرَّاحِمُونَ يَرْحَمُهمُ الرَّحمنُ، ارحَمُوا أهلَ الأرضِ يَرْحْمْكُم مَن في السّماء».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد] - [سنن أبي داود: 4941]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 4941]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga naaawa sa iba ay kaaawaan ng Napakamaawain sa pamamagitan ng awa Niya na sumakop sa bawat bagay bilang ganting karampatan.
Pagkatapos nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maawa sa lahat ng mga nasa lupa na tao o hayop o ibon o iba pa kabilang sa mga uri ng nilikha at ang ganti roon ay na maawa sa inyo si Allāh mula sa ibabaw ng mga langit Niya.