عن جابر رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«رَحِمَ اللهُ رَجُلًا سَمْحًا إِذَا بَاعَ، وَإِذَا اشْتَرَى، وَإِذَا اقْتَضَى».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 2076]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 2076]
Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng awa para sa bawat sinumang naging madali, galante, at mapagbigay sa pagbebenta niya sapagkat hindi siya naghihigpit sa mamimili sa presyo ng paninda at nakikitungo siya nang may magandang kaasalan; madali, galante, at mapagbigay kapag bumili siya sapagkat hindi siya nagpapakulang at hindi siya nagpapakaunti sa halaga ng paninda; madali, galante, at mapagbigay kapag sumingil ng bayad sa mga pautang na ukol sa kanya sapagkat hindi siya naghihigpit sa maralita at nangangailangan, bagkus sumisingil siya rito nang may kabaitan at kabanayaran at nagpapalugit sa nagigipit.