+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : « رُبَّ أَشْعَثَ أغبرَ مَدْفُوعٍ بالأبواب لو أَقسم على الله لَأَبَرَّهُ ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Maraming [taong] gulu-gulo at maalikabok ang buhok na ipinagtatabuyan sa mga pinto na kung sakaling susumpa kay Allāh ay tutuparin Niya ito."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

1`"Maraming [taong] gulu-gulo at maalikabok ang buhok na ipinagtatabuyan sa mga pinto na kung sakaling susumpa kay Allāh ay tutuparin Niya ito." Ang "gulu-gulo" ay kabilang sa mga katangian ng buhok. Ang buhok ng tao ay gulu-gulo; nangangahulugan ito na wala siyang ipinanlalangis dito at wala siyang ipinangsusuklay rito. Hindi niya pinahahalagahan ang anyo niya. Ang "maalikabok" ay nangangahulugang maalikabok ang kulay, maalikabok ang mga kasuutan. Iyon ay dahil sa tindi ng karalitaan niya. Ang "ipinagtatabuyan sa mga pinto" ay nangangahulugang wala itong mataas na kalagayan. Kapag pumupunta ito sa mga tao upang magpaalam ay hindi sila nagpapahintulot dito, bagkus ipinagtatabuyan nila ito sa mga pinto dahil wala itong halaga sa mga tao, ngunit may halaga ito sa Panginoon ng mga nilalang. Kung sakaling susumpa ito kay Allāh ay talagang tutuparin Niya iyon dahil sa dangal nito sa ganang kay Allāh, (aj), at kalagayan nito. "kung sakaling susumpa kay Allāh ay talagang tutuparin Niya ito" Ang sukatan roon ay ang pangingilag sa pagkakasala kay Allāh, (aj), gaya ng sinabi ni Allāh, (t): "Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag sa inyo sa pagkakasala." (Qur'an 49:13) Ang sinumang pinakamapangilag sa pagkakasala kay Allāh, siya ay pinakamarangal sa ganang kay Allāh. Padadaliin ni Allāh dito ang anuman, tutugunin Niya ang panalangin nito, aalisinin Niya ang kapinsalaan dito, at tutuparin Niya ang sumpa nito. Ang nanumpang ito kay Allāh ay hindi manunumpa para mang-api ng isa man at hindi mangangahas laban kay Allāh sa kaharian Niya, ngunit manunumpa ito kay Allāh sa anumang ikinalulugod Niya bilang pagtitiwala kay Allāh, (aj), o sa mga bagay-bagay na ipinahihintulot bilang pagtitiwala kay Allāh, (aj).

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin