عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«لَا تَجْعَلُوا بُيُوتَكُمْ قُبُورًا، وَلَا تَجْعَلُوا قَبْرِي عِيدًا، وَصَلُّوا عَلَيَّ؛ فَإِنَّ صَلَاتَكُمْ تَبْلُغُنِي حَيْثُ كُنْتُمْ».
[حسن] - [رواه أبو داود] - [سنن أبي داود: 2042]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud] - [سنن أبي داود - 2042]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapawalang-silbi sa mga bahay sa pagdarasal sapagkat ang mga ito ay magiging gaya ng mga libingan na hindi pinagdarasalan. Sumaway siya laban sa pag-uulit-ulit ng pagdalaw sa libingan niya at pagtitipon sa tabi nito sa isang paraang kahihiratihan dahil iyon ay isang kaparaanan tungo sa Shirk. Nag-utos siya ng pagdalangin kay Allāh ng basbas at pangangalaga sa kanya sa alinmang lugar sa Daigdig dahil iyon ay umaabot sa kanya mula sa malapit at malayo nang magkapantay, kaya walang pangangailangan sa pagpapabalik-balik sa libingan niya.