+ -

عَنْ عَلِيٍّ رضي الله عنه قَالَ:
كُنْتُ رَجُلًا مَذَّاءً وَكُنْتُ أَسْتَحْيِي أَنْ أَسْأَلَ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ لِمَكَانِ ابْنَتِهِ فَأَمَرْتُ الْمِقْدَادَ بْنَ الْأَسْوَدِ فَسَأَلَهُ فَقَالَ: «يَغْسِلُ ذَكَرَهُ وَيَتَوَضَّأُ». وَلِلبُخَاريِّ: فَقَالَ: «تَوَضَّأْ وَاغْسِلْ ذَكَرَكَ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 303]
المزيــد ...

Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ako noon ay lalaking madhdhā'§ at ako noon ay nahihiya na magtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa katayuan ng anak niya kaya nag-utos ako kay Al-Miqdād bin Al-Aswad [na magtanong] saka nagtanong naman ito sa kanya kaya nagsabi siya: "Maghuhugas siya ng ari niya at magsasagawa siya ng wuḍū'.} Batay kay Imām Al-Bukhārīy: {kaya nagsabi siya: "Magsagawa ka ng wuḍū' at maghugas ka ng ari mo."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 303]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid si Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay madalas labasan ng madhy. Ito ay isang puting malabnaw na malagkit na likidong lumalabas mula sa ari sa sandali ng pagnanasang seksuwal o bago ng pagtatalik. Hindi niya nalalaman kung papaano ang gagawin niya sa paglabas nito sapagkat nahiya siyang magtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil siya ay asawa ni Fāṭimah na anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya humiling siya kay Al-Miqdād bin Al-Aswad na magtanong sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) tungkol doon. Sumagot naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maghugas siya ng ari niya, pagkatapos magsagawa siya ng wuḍū'.

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ni Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) yayamang hindi pumigil sa kanya ang hiya sa pagwaksi sa pagtatanong sa pamamagitan ng isang tagapagpagitna.
  2. Ang pagpayag sa paghiling ng paglilinaw sa paghiling ng fatwā.
  3. Ang pagpayag sa pagpapabatid ng tao tungkol sa sarili niya hinggil sa ikinahihiya para sa kapakanan.
  4. Ang karumihan ng madhy at ang pagkakinakailangan ng paghuhugas nito mula sa katawan at kasuutan.
  5. Ang paglabas ng madhy ay kabilang sa mga tagasira ng wuḍū'.
  6. Ang pagkakinakailangan ng paghugas ng penis at testicle dahil sa pagkakasaad nito sa iba pang ḥadīth.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin