+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: إِنَّ رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ:
«إِذَا شَرِبَ الْكَلْبُ فِي إِنَاءِ أَحَدِكُمْ فَلْيَغْسِلْهُ سَبْعًا». ولمسلم: « أولاهُنَّ بالتُراب».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 172]
المزيــد ...

Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kapag uminom ang aso sa lalagyan ng isa sa inyo, hugasan niya ito nang pitong ulit."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 172]

Ang pagpapaliwanag

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghuhugas ng lalagyan nang pitong ulit kapag nagpasok dito ang aso ng dila nito, na ang una sa mga ito ay nasasamahan ng alabok upang ilapat ang tubig matapos nito para matamo ang ganap na kalinisan mula sa karumihan nito at pinsala nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الصربية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang laway ng aso ay marumi (najis) ayon sa karumihang minarubdob.
  2. Ang pagdila ng aso sa lalagyan ay nagpaparumi rito at nagpaparumi sa tubig na nasa loob nito.
  3. Ang pagdadalisay sa pamamagitan ng alabok at ang pag-uulit nang pitong ulit ay natatangi sa pagdadalisay mula sa pagdila nito hindi sa pag-ihi nito, pagdumi nito, at nalalabi sa pinarumi ng aso.
  4. Ang pamamaraan ng paghuhugas ng lalagyan sa pamamagitan ng alabok ay maglagay sa lalagyan ng tubig at idadagdag dito ang alabok. Pagkatapos huhugasan ang lalagyan sa pamamagitan ng pinaghalong [tubig at alabok na] ito.
  5. Ang hayag na kahulugan ng ḥadīth ay na ito ay lumalahat sa lahat ng mga aso, pati na sa mga aso na nagpahintulot ang Tagapagbatas ng pag-aalaga ng mga ito, tulad ng mga aso ng pangangaso, pagbabantay, at pagpapastol.
  6. Ang sabon at ang detergent ay hindi magagamit na pamalit sa alabok dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumukoy sa alabok.
Ang karagdagan