+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: «جاء أعرابِيُّ، فبَالَ في طَائِفَة المَسجد، فَزَجَرَه النَّاسُ، فَنَهَاهُمُ النبِيُّ صلى الله عليه وسلم فَلمَّا قَضَى بَولَه أَمر النبي صلى الله عليه وسلم بِذَنُوب من ماء، فَأُهرِيقَ عليه».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: (( Dumating ang isang Arab [Naninirahan sa Disyerto],Umihi siya sa sulok ng Masjid,Itinaboy siya ng mga tao,Pinagbawalan sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang matapos siya sa pag-ihi,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na kumuha ng] tabo mula sa tubig,ibinuhus ito rito))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Kabilang sa kaugalian ng mga Arabo [Naninirahan sa Disyerto] ay ang pagiging Marahas at Mang-mang,dahil sa napag-iwanan sila sa pag-aaral sa anumang ibinaba ni Allah sa Sugo niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Habang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kasama ang mga kasamahan niya sa Masjid ng Propeta,Dumating ang isang Arabo [Naninirahan sa Disyerto],at umihi siya sa isang sulok ng Masjid,Inaakala niya na ito ay tulad ng sakahan.Kaya`t malaking [problima]ang ginawa niya para sa mga kasamahan ng Propeta,dahil sa kadakilaan ng baal na Masjid.Itinaboy nila ito sa oras ng pag-iihi niya,Ngunit ang nagmamay-ari ng mataas na antas ng pag-uugali,na siyang ipinadala para sa paghahatid ng magandang balita at pagpapagaan [sa mga ipinag-utos sa relihiyon],ay pinagbawalan sila sa pagtataboy nila sa kanya,dahil sa alam niya ang kaugalian ng mga Arabo [Naninirahan sa Disyerto],upang hindi marumihan ng talsik ang karamihan sa [lugar] ng Masjid,at upang hindi tumama sa kanya ang pinsala dahil sa pagpapahinto sa kanya sa pag-ihi,at nang maging magaan [para sa kanya] ang pagtanggap sa mga Payo at Pangaral kapag tinuruan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,At ipinag-utos niya sa kanila na linisin ang lugar na inihian niya,sa pamamagitan ng pagbuhos gamit ng tabo ng tubig rito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin