+ -

عَنْ أَبِي أَيُّوبَ الأَنْصَارِيِّ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِذَا أَتَيْتُمُ الغَائِطَ فَلاَ تَسْتَقْبِلُوا القِبْلَةَ، وَلاَ تَسْتَدْبِرُوهَا وَلَكِنْ شَرِّقُوا أَوْ غَرِّبُوا» قَالَ أَبُو أَيُّوبَ: فَقَدِمْنَا الشَّأْمَ فَوَجَدْنَا مَرَاحِيضَ بُنِيَتْ قِبَلَ القِبْلَةِ فَنَنْحَرِفُ، وَنَسْتَغْفِرُ اللَّهَ تَعَالَى.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 394]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kapag pumunta kayo sa palikuran, huwag kayong humarap sa qiblah at huwag kayong tumalikod dito; subalit magpasilangan kayo o magpakanluran kayo." Nagsabi si Abū Ayyūb: "Dumating kami sa Shām saka nakatagpo kami ng mga kubeta na itinayong nakaharap sa qiblah kaya lumilihis kami at humihingi kami ng tawad kay Allāh (napakataas Siya)."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 394]

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nagnais tumugon sa tawag ng kalikasan niya na pag-ihi o pagdumi laban sa pagharap sa qiblah sa dako ng Ka`bah at laban sa pagtalikod doon sa pamamagitan ng paglagay niya rito sa likuran ng likod niya; bagkus kailangan sa kanya na lumihis paiwas doon sa dako ng silangan o kanluran kapag ang qiblah niya ay gaya ng qiblah ng mga naninirahan sa Madīnah. Pagkatapos nagpabatid si Abū Ayyūb (malugod si Allāh sa kanya) na sila, noong dumating sila sa Shām, ay nakatagpo roon na ang mga kubetang inihanda para sa pagtugon sa tawag ng kalikasan ay itinayong nakaharap tungo sa Ka`bah kaya, sila noon ay naglilihis ng mga katawan nila palayo sa qiblah at sa kabila niyon humihingi sila ng tawad kay Allāh.

من فوائد الحديث

  1. Ang kasanhian doon ay ang pagdakila sa Pinarangalang Ka`bah at ang paggalang dito.
  2. Ang paghingi ng tawad matapos ng paglabas mula sa lugar ng pagtugon ng tawag ng kalikasan.
  3. Ang kagandahan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil noong binanggit niya ang pinipigilan, gumabay siya tungo sa pinapayagan.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan