+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعًا: «اتقوا اللَّعَّانَيْن» قالوا: وما اللَّعَّانَانِ يا رسول الله؟ قال: «الذي يَتَخَلَّى في طريق الناس، أو في ظِلِّهم».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-((Katakutan ninyo ang dalawang isinusumpa)) Nagsabi sila: Ano ang dalawang isinumpa O Sugo ni Allah? Ang sabi niya:( Ang mga nagdudumi sa daan ng mga tao o sa Silong nila))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Iwasan ninyo ang dalawang bagay na tumatanggap ng Sumpa mula sa mga tao,ang nag-aanyaya sa kanya,na kung saan ang mga gumagawa nito ay inaabuso at isinusumpa ayon sa naka-ugalian; ibig sabihin ang nakaugalian ng mga tao ay ang isumpa siya,kaya ito ang nagiging dahilan sa Sumpa,at nang magkagayun ay nailakip ang sumpa sa kanilang dalawa,at ito ay ang;Pagdudumi sa daan ng mga tao o Silong nila,At ito ay tulad ng pagkasabi Niya Pagkataas-taas Niya:(( At huwag ninyong insultuhin yaong sinasamba [ ng mga hindi mananampalataya] maliban pa kay Allah,baka ang [mangyari] ay insultuhin nila si Allah sa kamalian dahilan sa kawalan nila ng kaalaman)) [Al-An-am:108] ibig sabihin ay;Kayo ay iinsultuhin nila sa paraan ng pag-iinsulto nila kay Allah;dahin ininsulto ninyo ang diyos-diyosan nila,At gayundin,ipinagbawal niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-iinsulto ng isang lalaki sa ama niya at ina.Nagsabi sila: At mayroon bang [makikitang] isang lalaking nag-iinsulto sa mga magulang niya?Ang sabi niya: Oo,Kapag ininsulto ng isang lalaki ang ama ng ibang lalaki,ito ay[itinuturing na] pag-iinsulto sa [sarili] niyang ama at pag-iinsulto sa [sarili] niyang ina),At ang para bang siya mismo ang nag-insulto ama niya,sapagkat siya ang naging dahilan nito.At ang sinabi "Sila ang mga taong nagdudumi sa daan ng mga tao" Ibig sabihin ay ginagawa nila ang mga pangangailangan nila mula sa pag-ihi at pagdumi sa mga lugar na dinadaanan ng mga tao at inaapakan nila,at walang pag-aalinlangan sa pagbabawal nito,maging ito man ay sa kalagayan ng nasa lugar o ng manlalakbay;Sapagkat ang mga ito ay nagdudulot ng pinsala sa kanila,at Sinabi Niya Pagkataas-taas Niya:{At sa mga namiminsala sa mga sumasampalatayang lalaki at babae at ito ay hindi nararapat,ay binibigyan nila ng pabigat ang kanilang sarili sa kasamaan ng paninirag puri at lantad na kasalanan} [Al-Ahzab:58] Ngunit kapag ang isang Daan ay hindi dinadaanan,hindi kasalanan ang pag-alis sa pangangailangan [pagdudumi o pag-ihi] rito,dahil sa kawalan ng dahilan.At ang sinabi niya:" O sa mga Silong nila" ibig sabihin ay: inaalis ang pangangailangan sa [pagdudumi o pag-ihi] sa Silong na ginagawa ng mga tao na pahingaan at klimang binababaan nila at umuupo sila rito,Ngunit ang mga silongan sa mga lugar na bakante na hindi dinadayuan ng mga tao at hindi nila pinupuntahan,ay hindi kasalanan ang pag-alis sa pangangailangan [pagdudumi o pag-ihi] rito,dahil sa kawalan ng dahilan;At dahil sa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay umupo sa ilalim ng puno ng Palmera dahil sa pangangailangan niya at mayroon itong silong.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin