عَنْ أَبِي قَتَادَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَا يُمْسِكَنَّ أَحَدُكُمْ ذَكَرَهُ بِيَمِينِهِ وَهُوَ يَبُولُ، وَلَا يَتَمَسَّحْ مِنَ الْخَلَاءِ بِيَمِينِهِ، وَلَا يَتَنَفَّسْ فِي الْإِنَاءِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 267]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag ngang hahawak ang isa sa inyo sa ari nito sa pamamagitan ng kanang kamay niya habang siya ay umiihi. Huwag siyang magpahid-pahid kapag nasa palikuran sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Huwag siyang huminga sa lalagyan ng inumin."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 267]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga etiketa yayamang sumaway siya na humawak ang lalaki ng ari nito ng kanang kamay nito sa sandali ng pag-ihi at na alisin ang karumihan mula sa puwit o tumbong sa pamamagitan ng kaliwang kamay dahil ang kanan ay inihanda para sa mga marangal. Sumaway rin siya na huminga ang tao sa lalagyan na iniinuman niya.