عن خَولة الأنصاريةِ رضي الله عنها قالت: سمعت النبي صلى الله عليه وسلم يقول:
«إِنَّ رِجَالًا يَتَخَوَّضُونَ فِي مَالِ اللهِ بِغَيْرِ حَقٍّ، فَلَهُمُ النَّارُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 3118]
المزيــد ...
Ayon kay Khawlah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 3118]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga taong nangangasiwa sa mga ari-arian ng mga Muslim sa kawalang-kabuluhan at kumukuha sa mga ito nang walang katwiran. Ito ay pangkalahatang kahulugan kaugnay sa yaman sa punto ng pagtipon nito at pagkita nito nang hindi napahihintulutan at paggugol nito sa hindi mga tumpak na paglalaan nito. Napaloloob doon ang pakikinabang sa mga yaman ng mga ulila at mga yaman ng waqf (institusyong pangkawanggawa), ang pagkakaila sa mga ipinagkatiwala, at ang pagkuha – sa kabila ng hindi pagkakarapat-dapat – ng mga pampublikong yaman.
Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ganti sa kanila ay ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon.