عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الْخُدْرِيِّ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ الدُّنْيَا حُلْوَةٌ خَضِرَةٌ، وَإِنَّ اللهَ مُسْتَخْلِفُكُمْ فِيهَا، فَيَنْظُرُ كَيْفَ تَعْمَلُونَ، فَاتَّقُوا الدُّنْيَا وَاتَّقُوا النِّسَاءَ، فَإِنَّ أَوَّلَ فِتْنَةِ بَنِي إِسْرَائِيلَ كَانَتْ فِي النِّسَاءِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2742]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2742]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Mundo ay matamis sa panlasa, luntian sa paningin, kaya nalilinlang ang tao rito, nagugumon siya rito, at gumagawa rito bilang pinakamalaking alalahanin niya. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay gumawa sa ilan sa atin na humahalili sa iba sa makamundong buhay na ito upang tumingin Siya kung papaano tayong gagawa: kung magsasagawa ba tayo ng pagtalima sa Kanya o susuway sa Kanya. Pagkatapos nagsabi siya: "Mag-ingat kayo na makalinlang sa inyo ang natatamasa sa Mundo at ang gayak nito para makapagbuyo sa inyo ang mga ito sa pagwaksi sa ipinag-utos ni Allāh at pagkasadlak sa sinaway Niya sa inyo" Kabilang sa pinakamabigat na kinakailangan ang pag-iingat laban doon mula sa mga tukso ng Mundo ang tukso ng mga babae, na unang tukso na kinasadlakan ng mga anak ni Israel.