Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

"Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung nagkataong ang mundo ay nakatutumbas sa ganang kay Allah ng isang pagkpak ng lamok, hindi na sana Siya nagpainom sa siyang tumatangging sumampalataya mula roon ng isang inom ng tubig.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang bawat kalipunan ay may tukso at ang tukso ng kalipunan ko ay ang yaman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung nagkataong nagkaroon ako ng tulad sa [bundok ng] Uhud na ginto, talagang ikagagalak ko na pagkalipas ng tatlong gabi ay walang matitira sa akin na anuman mula rito maliban sa anumang ipambabayad ko sa isang pagkakautang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay ay tulad ng paglalagay ng isa sa inyo ng daliri niya sa dagat, kaya pagmasdan niya kung ano ang ibinabalik nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo isang araw sa mimbar at nakaupo kami sa paligid niya saka nagsabi siya: @"Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko para sa inyo matapos ko ang pagbubuksan sa inyo na karangyaan ng Mundo at gayak nito."* Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, at nagdadala po ba ang kabutihan ng kasamaan?" Kaya natahimik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka sinabi rito: "Ano ang pumapatungkol sa iyo? Kinakausap mo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya kumakausap sa iyo." Nakita namin na siya ay binababaan [ng kasi]. Pinahid niya sa kanya ang pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?" Para bang siya ay nagpuri rito. Saka nagsabi siya: "Tunay na hindi nagdadala ang kabutihan ng kasamaan. Tunay na mula sa pinatutubo ng tagsibol ay pumapatay o napipintong pumatay maliban sa tagakain ng Khaḍrā'. Kumain ito hanggang sa lumuwang ang dalawang tagiliran nito. Humarap ito sa mata ng araw saka dumumi ito, umihi ito, at nanginain ito. Tunay na ang yamang ito ay luntiang matamis. Kaya kay inam na kasamahan ng Muslim ito, na nagbibigay siya mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa landas." O gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito ay gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinusundan ang patay ng tatlo: ng mag-anak niya, ng yaman niya, at ng gawa niya. Uuwi ang dalawa at maiiwan ang isa. Uuwi ang mag-anak niya at ang yaman niya, at maiiwan ang gawa niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Mundo ay Bilangguan ng Mananampalataya at Paraiso ng Tumatangging Sumampalataya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay kaakit-akit at matamis. Ang sinumang kumuha nito nang may pagkamapagbigay sa isang tao, pagpapalain siya dahil doon. Ang sinumang kumuha nito nang may pagmamaramot sa tao , hindi siya pagpapalain dahil doon. Siya ay naging gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Ang mataas na kamay ay mainam kaysa sa mababang kamay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iniisip ko na kayo ay nakarinig na si Abū `Ubaydah ay dumating na may dala mula sa Baḥrain
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, walang pamumuhay kung pamumuhay sa Kabilang-buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaingat! Tunay na ang mundo ay isinumpa. Isinumpa ang naroon maliban sa pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, anumang sinisinta Niya, nakaaalam, at nagpapakaalam.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaya sumpa man kay Allāh, talagang ang Mundo ay higit na hamak para kay Allāh kaysa rito para sa inyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang ngang nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nananatili sa [buong] araw na namimilipit sa gutom; hindi siya nakatatagpo ng mahinang uri ng datiles na ipampupuno niya sa tiyan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohang nagtagumpay ang sinumang yumakap sa Islam at ang kanyang biyaya ay sapat na,at pinasasaya siya ni Allah sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang babaing kamelyo noon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na si Al-`Aḍbā’, ay hindi nauunahan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyo angkinin ang nayon at mapaibig kayo sa mundo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu