+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«الدُّنْيَا سِجْنُ الْمُؤْمِنِ وَجَنَّةُ الْكَافِرِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2956]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang Mundo ay bilangguan ng mananampalataya at Paraiso ng tagatangging sumampalataya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2956]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buhay sa Mundo para sa mananampalataya ay gaya ng bilangguan dahil sa pagkapanatili niya sa mga pagkaatang ng tungkuling pambatas gaya ng paggawa ng ipinag-uutos at pagwaksi ng pinangingilagan. Kaya kapag namatay siya, napapahinga siya mula rito at babalik siya sa inihanda ni Allāh (napakataas Siya) na kaginhawahang mamamalagi. Ito naman para sa tagatangging sumampalataya ay gaya ng Paraiso dahil siya ay gumagawa rito ng bawat ninanasa ng sarili niya at ipinag-uutos sa kanya ng pithaya niya. Kaya kapag namatay siya, babalik siya sa inihanda ni Allāh (napakataas Siya) sa Araw ng Pagbangon na mamalaging pagdurusa.

من فوائد الحديث

  1. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang bawat mananampalataya ay nakabilanggong pinagkakaitan sa Mundo ng mga ninanasang ipinagbabawal at kinasusuklaman, na inaatangan ng tungkulin ng paggawa ng mga pagtalimang mahirap. Kaya kapag namatay siya, napapahinga siya mula rito at babalik siya sa inihanda ni Allāh (napakataas Siya) na kaginhawahang mamamalagi at kapahingahang dalisay sa pagkakulang. Hinggil naman sa tagatangging sumampalataya, ukol lamang sa kanya mula roon ang natamo sa Mundo kalakip ng kakauntian nito at pagkagulo rito dahil sa mga bulabog. Kaya kapag namatay siya, hahantong siya sa mamalaging pagdurusa at kamiserablehan ng kawalang-hanggan.
  2. Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niyang: "bilangguan ng mananampalataya" ay tunay na kung siya ay nasa isang kaginhawahan, ang Paraiso naman ay higit na mabuti kaysa rito; at "paraiso ng tagatangging sumampalataya" ay tunay na kung siya ay nasa isang kasuklam-suklam, ang Impiyerno naman ay higit na masama kaysa rito.
  3. Ang pagkahamak ng Mundo kay Allāh (napakataas Siya).
  4. Ang Mundo ay tahanan ng pagsubok at pagsusulit para sa mga may pananampalataya.
  5. Ang tagatangging sumampalataya ay minadali ang Paraiso niya sa Mundo niya kaya parurusahan siya ng pagkakait sa Paraiso ng Kabilang-buhay at kaginhawahan nito.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Tamil Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin