عن عائشة رضي الله عنها قالت: قال النبي صلى الله عليه وسلم:
«لَا تَسُبُّوا الْأَمْوَاتَ، فَإِنَّهُمْ قَدْ أَفْضَوْا إِلَى مَا قَدَّمُوا».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 1393]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 1393]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkabawal ng pag-alipusta sa mga patay at paninira sa mga dangal nila, na ito ay kabilang sa masasagwa sa mga kaasalan sapagkat tunay na sila ay umabot sa ipinauna nila na mga gawang maayos o masama, at na ang pag-alipustang ito rin ay hindi naman nakararating sa kanila sapagkat tunay na ito ay nakapiperhuwisyo lamang sa mga buhay.