+ -

عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما مرفوعاً: "كُلُوا، وَاشْرَبُوا، وَتَصَدَّقُوا، وَالْبَسُوا، غَيْرَ مَخِيلَة، وَلَا سَرَف".
[حسن] - [رواه ابن ماجه والإمام أحمد، وذكره البخاري في صحيحه تعليقًا مجزومًا به]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Hadith na Marfu-"Kumaain kayo,uminom kayo,magkawang-gawa kayo,nang walang halong pagmamataas at walang pagwawaldas"
[Maganda] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy bilang Mu'allaq - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Pinapatunayan ng Hadith na ito ang Pagbabawal ng Pagwawaldas sa pagkain,pag-inom,pagdamit at sa mga bagay na pagkakawang-gawa na walang halong pakitang-tao at pagkukunwari,At ang tunay na pagwawaldas ay paglampas sa limitasyon sa lahat ng gawain o salita,at sa pagkakawang-gawa ito ay higit na nakikita.At ang Hadith ay kinuha mula sa Pagsabi niya-Pagkataas-taas Niya" { At kumain kayo at Uminom kayo at huwag kayong magwaldas} [Al-A`raf :31],At napapaloob dito ang pagbabawal sa Pagmamataas at Pagmamalaki,At ang Hadith na ito ay may kabuuang kainaman sa pamamahala ng tao sa sarili niya,at napapaloob rito ang kabutihan sa kaluluwa at katawan para sa Mundo at sa Kabilang buhay,Dahil ang pagwawaldas sa lahat ng bagay ay nakakapinsala sa katawan at nakakapinsala sa pamumuhay,at humahantong ito sa pagkasira at napipinsala nito ang kaluluwa kapag ito laging nakasunod sa katawan sa madalas na pagkakataon,At ang Pagmamataas ay nakakapinsala sa kaluluwa dahil ito ay nagdudulot ng paghanga,at nakakapinsala sa Kabilang buhay sapagkat ito ay naagdudulot ng Kasalanan,at sa Mundo,sapagkat ito ay nagdudulot ng poot mula sa mga tao,At nagpuna si Imam Al-Bukhari,ayon kay Ibn `Abbas: ((Kumain ka nang anumang naisin mo,Uminom ka nang anumang naisin mo,Huwag kang magkamali sa dalawang bagay,Pagwawaldas at Pagmamataas))

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan