عن أبي ذر الغفاري رضي الله عنه أن ناسًا من أصحاب رسول الله -صلى الله عليه وآله وسلم- قالوا للنبي -صلى الله عليه وآله وسلم-: يا رسول الله، ذهب أهل الدُّثُور بالأجور: يُصلون كما نُصلِّي ويَصُومون كما نصومُ، ويَتصدقون بفُضُول أموالِهم.
قال: أوليس قد جعل الله لكم ما تَصَّدَّقُون: إن بكل تَسْبِيحَةٍ صَدَقَةً، وكل تَكْبِيرَةٍ صَدَقَةً، وكل تَحْمِيدَةٍ صَدَقَةً، وكلِّ تَهْلِيلَةٍ صَدَقَةً، وأمرٌ بمعروفٍ صَدَقَةٌ، ونَهْيٌ عن مُنكرٍ صَدَقَةٌ، وفي بُضْع أحدكم صدقة.
قالوا: يا رسول الله، أيأتي أحدنا شهوتَه ويكونُ له فيها أجر؟
قال أرأيتم لو وضعها في حرام أكان عليه وِزْرٌ؟ فكذلك إذا وضعها في الحلال كان له أجرٌ.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abe Zarr AL-Gaffa`rie malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao mula sa kasamahan ng sugo ni Allah pagpalain ni Allah siya at ang mag-anak niya at pangalagaan-nagsabi sila sa propeta pagpalain ni Allah siya at ang mag-anak niya at pangalagaan: O sugo ni Allah,nauna na ang mga mayayaman sa mga gantimpala,Sila ay nagdarasal tulad ng aming pagdarasal,at sila ay nag-aayuno tulad ng aming pag-aayuno,nagkakawang-gawa sila sa kainaman ng mga kayamanan nila Nagsabi siya:Hindi ba`t ginawa ni Allah sa inyo ang ipagkakawang-gawa ninyo?.katotohanan sa bawat pag-ala-ala (pagbigkas ng Subhanallah) ay kawang-gawa,at sa bawat pagdakila (pagbigkas ng Allahu Akbar) ay kawang-gawa at sa bawat pagpuri (pagbigkas ng Alhamdulillah) ay kawang-gawa at sa bawat bigkas ng (La ilaha Illalah) ay kawang-gawa,ang pag-utos sa mga kabutihan ay kawang-gawa at ang pagbawal sa mga kasamaan ay kawang-gawa.at ang paggalaw ng isa sa inyo asawa nito,ay kawang-gawa.Nagsabi sila:O sugo ni Allah kapag ang isa sa amin ay gumalaw sa asawa nito, magkakaroon ba siya ng gantimpala.?Nagsabi siya:Sa tingin ninyo,kapag nangalunya at inilagay niya ang pagnanais niya sa ipinagbabawal,magkakaroon ba siya ng kasalanan?Nagsabi sila:Oo,Nagsabi siya:Ganun din kapag inilagay niya ito sa ipinapahintulot,magkakaroon siya ng gantimpala.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ayon kay Abe Zarr-malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao ay nagsabi sila:O sugo ni Allah,nauna na ang mga mayayaman sa mga gantimpala at kinuha nila ito sa amin,Sila ay nagdarasal tulad ng aming pagdarasal,at sila ay nag-aayuno tulad ng aming pag-aayuno,nagkakawang-gawa sila mga kayamanan nila na labis mula sa pangangailangan nila,Kaya`t kami at sila ay pareho sa pagdarasal at sa pag-aayuno,Ngunit sila ay nauuna sa amin dahil sa pagkawang-gawa nila sa mga ibiniyaya ni Allah Pagkataas-taas Niya- mula sa kainaman ng kayamanan at kami ay hindi nakakapag-kawang-gawa.Ipinahayag sa kanila ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na kapag maiwanan sila sa pagkawang-gawa sa ng kayamanan ay mayroon namang pakawang-gawa sa paggawa ng mga kabutihan.Sa mga tao sa bawat pag-alala nito(pagbigkas ng Subhanallah) ay kawang-gawa,at sa bawat pagdakila nito (pagbigkas ng Allahu Akbar) ay kawang-gawa at sa bawat pagpuri nito (pagbigkas ng Alhamdulillah) ay kawang-gawa, at sa bawat bigkas ng (La ilaha Illalah) ay kawang-gawa at ang pag-uutos sa mga kabutihan ay kawang-gawa at ang pagbabawal sa mga kasamaan ay kawang-gawa.at pagkatapos ai ipinahayag ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na ang lalaki kapag gumalaw sa asawa nito,ay kabilang sa kawang-gawa.Nagsabi sila:O sugo ni Allah kapag ang isa sa amin ay gumalaw sa asawa nito, magkakaroon ba siya ng gantimpala.?Nagsabi siya:Sa tingin ninyo,kapag nangalunya at inilagay niya ang pagnanais niya sa ipinagbabawal,magkakaroon ba siya ng kasalanan?Nagsabi sila:Oo,Nagsabi siya:Ganun din kapag inilagay niya ito sa ipinapahintulot, magkakaroon siya ng gantimpala.