+ -

عن أبي عبد الله جابر بن عبد الله الأنصاري رضي الله عنهما ، قال: كنا مع النبي صلى الله عليه وسلم في غَزَاةٍ، فقال: «إن بالمدينة لَرِجَالًا ما سِرْتُم مَسِيرًا، ولا قَطَعْتُم وَادِيًا، إلا كانوا مَعَكُم حَبَسَهم المرضُ». وفي رواية: «إلا شَرَكُوكُم في الأَجْرِ». وعن أنس - رضي الله عنه - قال: رجعنا من غزوة تبوك مع النبي صلى الله عليه وسلم فقال: «إن أقواما خلفنا بالمدينة ما سلكنا شِعْبَا، ولا واديا، إلا وهم معنا؛ حبسهم العذر».
[صحيح] - [حديث جابر -رضي الله عنه-: رواه مسلم. حديث أنس -رضي الله عنه-: رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Jābir bin `Abdullāh Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: Kami noon ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang paglusob at nagsabi siya: "Tunay na sa Madīnah ay talagang may mga lalaking wala kayong nilakbay na isang paglalakbay at wala kayong tinawid na isang lambak malibang sila ay kasama ninyo; hinadlangan sila ng karamdaman." Sa isang sanaysay: "malibang lumahok sila sa inyo sa gantimpala." Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Bumalik kami mula sa paglusob sa Tabūk kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: Tunay na may mga taong iniwan natin sa Madīnah na wala tayong tinahak na isang daanan ni isang lambak malibang sila ay kasama natin; hinadlangan sila ng dahilan."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa mga lalaking walang humadlang sa kanila sa pakikibaka sa landas ni Allah maliban sa karamdaman at tulad nitong mga tanggap na dahilan. Ipinababatid niya na walang nilakbay ang mga mandirigma na paglalakbay ni tinawid na lambak ni daanan malibang itinala para sa mga ito ang gantimpala sa gayong gawain.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin