عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا أَنَّهُ سَمِعَ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، يَقُولُ عَامَ الفَتْحِ وَهُوَ بِمَكَّةَ:
«إِنَّ اللَّهَ وَرَسُولَهُ حَرَّمَ بَيْعَ الخَمْرِ، وَالمَيْتَةِ وَالخِنْزِيرِ وَالأَصْنَامِ»، فَقِيلَ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، أَرَأَيْتَ شُحُومَ المَيْتَةِ، فَإِنَّهَا يُطْلَى بِهَا السُّفُنُ، وَيُدْهَنُ بِهَا الجُلُودُ، وَيَسْتَصْبِحُ بِهَا النَّاسُ؟ فَقَالَ: «لاَ، هُوَ حَرَامٌ»، ثُمَّ قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عِنْدَ ذَلِكَ: «قَاتَلَ اللَّهُ اليَهُودَ إِنَّ اللَّهَ لَمَّا حَرَّمَ شُحُومَهَا جَمَلُوهُ، ثُمَّ بَاعُوهُ، فَأَكَلُوا ثَمَنَهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2236]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa Taon ng Pagsakop habang siya ay nasa Makkah:
"Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito." Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba sa mga taba ng patay sapagkat tunay na ang mga ito ay ipinampipikpik sa mga bangka, ipinanlalangis sa mga katad, at ipinang-iilaw ng mga tao?" Kaya nagsabi siya: "Hindi; ito ay bawal." Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandaling iyon: "Sumpain nawa ni Allāh ang mga Hudyo. Tunay na noong si Allāh ay nagbawal ng mga taba ng mga ito, tinunaw nila iyon, pagkatapos itininda nila iyon saka kinain nila ang halaga niyon."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2236]
Nakarinig si Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi noong Taon ng Pagsakop habang siya ay nasa Makkah: "Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito." Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, pinahihintulutan po ba na magtinda kami ng mga taba ng patay dahil ang mga ito ay ipinampapahid sa mga bangka, ipinanlalangis sa mga katad, at ipinangniningas ng mga tao sa mga sulo nila?" Kaya nagsabi siya: "Hindi; ang pagtitinda ng mga ito ay bawal." Pagkatapos nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandaling iyon: "Pasawiin nawa ni Allāh ang mga Hudyo at sumpain nawa Niya sila. Tunay na noong si Allāh ay nagbawal sa kanila ng mga taba ng mga hayop na iyon, nilusaw nila ang mga ito, pagkatapos itininda nila ang langis ng mga iyon saka kinain nila ang halaga niyon."