عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «أُحِلَّتْ لكم مَيْتَتَانِ وَدَمَانِ، فأما الميتتان: فَالْجَرَادُ والْحُوتُ، وأما الدَّمَانِ: فالكبد والطحال».
[صحيح] - [رواه ابن ماجه وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allah sa kanya: "Nagpahintulot para sa inyo ng dalawang patay at dalawang dugo: Ang balang at ang balyena; ang dalawang dugo naman ay ang atay at ang lapay."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Nagpapabatid si Ibnu `Umar ng isang kahatulang pambatas at legal na nauugnay sa pagkaipinahihintulot ng pagkain ng ilan sa mga bagay: Una: Ang pagpapahintulot sa pagkain ng namatay na balang at balyena, at Ikalawa: Ang pagkaipinahihintulot ng pagkain ng dalawang uri ng dugo: ang atay at ang lapay. Ang dalawang kahatulang ito ay dalawang kataliwasan mula sa pagbabawal sa pagkain ng namatay at dugo. Fatḥ Dhi Al-Jalāl wa Al-Ikrām bi-Sharḥ Bulūgh Al-Murām Tomo 1, 103.