+ -

عن النُّعمان بن بَشير رضي الله عنه قال: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ -وَأَهْوَى النُّعْمَانُ بِإِصْبَعَيْهِ إِلَى أُذُنَيْهِ-:
«إِنَّ الْحَلَالَ بَيِّنٌ وَإِنَّ الْحَرَامَ بَيِّنٌ، وَبَيْنَهُمَا مُشْتَبِهَاتٌ لَا يَعْلَمُهُنَّ كَثِيرٌ مِنَ النَّاسِ، فَمَنِ اتَّقَى الشُّبُهَاتِ اسْتَبْرَأَ لِدِينِهِ وَعِرْضِهِ، وَمَنْ وَقَعَ فِي الشُّبُهَاتِ وَقَعَ فِي الْحَرَامِ، كَالرَّاعِي يَرْعَى حَوْلَ الْحِمَى يُوشِكُ أَنْ يَرْتَعَ فِيهِ، أَلَا وَإِنَّ لِكُلِّ مَلِكٍ حِمًى، أَلَا وَإِنَّ حِمَى اللهِ مَحَارِمُهُ، أَلَا وَإِنَّ فِي الْجَسَدِ مُضْغَةً، إِذَا صَلَحَتْ صَلَحَ الْجَسَدُ كُلُّهُ، وَإِذَا فَسَدَتْ فَسَدَ الْجَسَدُ كُلُّهُ، أَلَا وَهِيَ الْقَلْبُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1599]
المزيــد ...

Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi at nagturo si An-Nu`mān ng dalawang daliri niya sa dalawang tainga niya:
"Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng dalawang ito ay may mga mapaghihinalaan, na hindi nakaaalam sa mga ito ang marami sa mga tao. Ang sinumang nangilag sa mga mapaghihinalaan ay nakapag-ingat para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga mapaghihinalaan ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos magpanginain siya roon. Pansinin at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Pansinin at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag umayos ay aayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag nasira ito ay masisira ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1599]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangkalahatang tuntunin sa mga bagay, na ito ay nababahagi kaugnay sa Batas ng Islām sa tatlong bahagi: malinaw na ipinahihintulot, malinaw na bawal, at mga bagay na mapaghihinalaan na hindi maliwanag ang kahatulan sa punto ng pagkapahintulot at pagkabawal, na hindi nalalaman ang kahatulan ng mga ito ng marami sa mga tao.
Ang sinumang nagwaksi ng mga bagay na mapaghihinalaan sa kanya, naligtas ang Relihiyon niya dahil sa pagkalayo sa pagkasadlak sa bawal at naligtas para sa kanya ang dangal niya laban sa salita ng mga tao dahil sa maipamimintas nila sa kanya dahilan sa pagkakagawa niya ng mapaghihinalaang ito. Ang sinumang hindi umiwas sa mga mapaghihinalaang ito ay nagsalang nga ng sarili niya sa pagkasadlak sa bawal o paghamak ng mga tao sa dangal niya. Naglahad ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad upang maglinaw sa kalagayan ng sinumang nakagagawa ng mga mapaghihinalaan, na siya ay gaya ng pastol habang nagpapastol ng kawan niya malapit sa isang lupain na pinangalagaan ng may-ari nito, kaya halos ang kawan ng pastol ay manginain sa kanlungang iyon dahil sa kalapitan nito roon. Gayon din ang sinumang gumagawa ng anumang may mapaghihinalaan sapagkat tunay na siya dahil doon ay lumalapit sa bawal kaya halos masadlak siya rito. Matapos nito, nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa katawan ay may isang kimpal ng laman (ang puso), na umaayos ang katawan dahil sa pagkaayos nito at nasisira ito dahil sa pagkasira nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpapaibig sa pagwaksi sa mapaghihinalaan, na hindi napaglinawan ang kahatulan dito.