+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم كان يقول:
«الصَّلَوَاتُ الْخَمْسُ، وَالْجُمُعَةُ إِلَى الْجُمُعَةِ، وَرَمَضَانُ إِلَى رَمَضَانَ، مُكَفِّرَاتٌ مَا بَيْنَهُنَّ إِذَا اجْتَنَبَ الْكَبَائِرَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 233]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi:
"Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 233]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang limang dasal na isinasatungkulin sa araw at gabi, ang dasal sa Biyernes sa bawat linggo, at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān sa bawat taon ay mga tagatakip-sala ng nasa pagitan ng mga ito na maliliit na mga pagkakasala ayon sa kundisyon ng pag-iwas sa malalaking kasalanan. Hinggil sa malalaking kasalanan gaya ng pangangalunya at pag-inom ng alak, hindi natatakpang-sala ang mga ito kundi sa pamamagitan ng pagbabalik-loob (tawbah).

من فوائد الحديث

  1. Ang mga pagkakasala ay mayroon sa mga ito na maliliit at mayroon sa mga ito na malalaki.
  2. Ang pagtatakip-sala sa maliliit na kasalanan ay kinukundisyunan ng pagkaiwas sa malalaking kasalanan.
  3. Ang malalaking kasalanan ay ang mga pagkakasala na may nasaad kaugnay sa mga ito na isang takdang parusa sa Mundo o may dumating kaugnay sa mga ito na isang banta sa Kabilang-buhay ng pagdurusa o galit ni Allāh, o nagkaroon dito ng isang pagbibigay-banta o isang pagsumpa sa tagagawa ng mga ito, gaya ng pangangalunya at pag-inom ng alak.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأكانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin