عن معقل بن يسار رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «العِبَادَة في الهَرْجِ كَهِجْرَةٍ إليَّ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Ma`qil bin Yasār, malugod si Allah sa kanya: "Ang pagsamba sa panahon ng sigalot ay gaya ng paglikas patungo sa akin."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang kahulugan ng ḥadīth ay na ang nananatili sa pagsamba sa panahon ng dami ng mga sigalot, kalituhan sa mga pangyayari, at pagpapatayan, ang kalamangan nito ay gaya ng sinumang lumikas tungo sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, bago masakop ang Makkah dahil ito ay sumang-ayon sa kanya yamang ang lumilikas ay tumakas dahil sa relihiyon niya mula sa sumasagabal sa kanya roon para kumapit sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Gayon ang deboto sa pagsamba kay Allah, pagkataas-taas Niya, tumakas siya mula sa mga tao dahil sa relihiyon niya patungo sa pananatili sa pagsamba sa Panginoon niya. Kaya naman siya sa katotohanan ay lumikas nga patungo sa Panginoon niya at tumakas mula sa lahat ng nilikha.