عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «للَّهُ أَفْرَحُ بِتَوْبَةِ عَبْدِهِ مِنْ أَحَدِكُمْ، سَقَطَ عَلَى بَعِيرِهِ، وَقَدْ أَضَلَّهُ فِي أَرْضِ فَلاَةٍ».
وفي رواية: «لَلَّهُ أَشَدُّ فَرَحًا بِتَوْبَةِ عَبْدِهِ حِينَ يَتُوبُ إِلَيْهِ، مِنْ أَحَدِكُمْ كَانَ عَلَى رَاحِلَتِهِ بِأَرْضِ فَلَاةٍ، فَانْفَلَتَتْ مِنْهُ وَعَلَيْهَا طَعَامُهُ وَشَرَابُهُ، فَأَيِسَ مِنْهَا، فَأَتَى شَجَرَةً، فَاضْطَجَعَ فِي ظِلِّهَا، وقَدْ أَيِسَ مِنْ رَاحِلَتِهِ، فَبَيْنَا هُوَ كَذَلِكَ إِذَا هُوَ بِهَا، قَائِمَةً عِنْدَهُ، فَأَخَذَ بِخِطَامِهَا، ثُمَّ قَالَ مِنْ شِدَّةِ الْفَرَحِ: اللهُمَّ أَنْتَ عَبْدِي وَأَنَا رَبُّكَ! أَخْطَأَ مِنْ شِدَّةِ الْفَرَح».
[صحيح] - [متفق عليه والرواية الأولى لفظ البخاري، والرواية الثانية لفظ مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Talagang si Allāh ay higit na masaya sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya kaysa sa isa inyo na nakasumpong sa kamelyo niya noong naiwala niya ito sa lupang disyerto." Sa isang sanaysay: "Talagang si Allāh ay higit na matindi sa tuwa sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya nang nagbabalik-loob ito sa Kanya kaysa sa isa sa inyo na lulan dati ng sasakyang kamelyo nito sa lupang disyerto ngunit nakawala iyon mula rito. Lulan niyon ang pagkain niya at inumin niya kaya nawalan siya ng pag-asa roon. Pumunta siya sa isang punong-kahoy at nahiga sa lilim niyon. Nawalan na siya ng pag-asa sa sasakyang kamelyo niya ngunit habang siya ay gayon, biglang siya ay kasama niyon habang nakatayo sa tabi niya. Kinuha niya ang renda niyon. Pagkatapos ay nagsabi dahil sa tindi ng tuwa: "O Allāh, Ikaw ay alipin ko at ako ay Panginoon Mo!" Nagkamali siya dahil sa tindi ng tuwa.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagpapabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na si Allāh ay higit na matindi sa pagkatuwa sa panunumbalik ng lingkod Niya sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima nito at pagsunod sa utos Niya nang taos sa puso nito kaysa sa pagkatuwa ng isa sa inyo na dati ay nasa lupang disyerto, na walang isa man sa paligid niya, walang tubig, walang pagkain, at walang mga tao. Nawala pa ang kamelyo niya kaya sinimulan niyang hanapin ito ngunit hindi niya natagpuan ito. Pumunta siya sa isang punong-kahoy at natulog sa ilalim nito habang naghihintay ng kamatayan. Nawalan na siya ng pag-asa sa kamelyo niya. Nawalan na siya ng pag-asa sa buhay niya dahil ang pagkain niya at ang inumin niya ay lulan ng kamelyo niya at ang kamelyo ay nawala. Habang siya ay gayon, natagpuan niya ang kamelyo niya, na biglang nasa tabi niya habang nakakabit na ang renda nito sa punong-kahoy na siya ay natutulog sa ilalim niyon. Sa aling bagay masusukat ang pagkatuwang ito? Ang pagkatuwang ito ay hindi maaaring maguniguni ng isa man maliban sa sinumang nasadlak sa tulad ng kalagayang ito! Dahil ito ay malaking pagkatuwa, natuwa siya sa buhay pagkatapos ng sa kamatayan. Dahil dito, kinuha niya ang renda at nagsabi: "O Allāh, Ikaw ay alipin ko at ako ay Panginoon Mo!" Ninais niyang ipagbunyi si Allāh at sabihin: "O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko at ako ay alipin Mo," subalit dahil sa tindi ng pagkatuwa niya ay nagkamali siya.