Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Ang lahat ng anak ni Adan ay nagkakamali at ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong nagbabalik-loob
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang kaligtasan?" Nagsabi siya: "Pigilan mo sa iyo ang dila mo, magkasya sa iyo ang bahay mo, at umiyak ka dahil sa kasalanan mo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talagang si Allāh ay higit na masaya sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya kaysa sa isa inyo na nakasumpong sa kamelyo niya noong naiwala niya ito sa lupang disyerto.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob ng tao hanggat hindi ito naghihingalo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Anak ni Adan, tunay na ikaw, hanggat dumalangin ka sa Akin at umasa ka sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo sa anumang nasa iyo at hindi Ako papansin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na may isang lalaking may isang babaing nahalikan kaya pumunta ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipinabatid nito sa kanya. Kaya ibinaba ni Allāh, pagkataas-taas Niya: Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa mga bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, naging karapat-dapat ako sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sa mga nauna sa inyo noon ay may isang lalaki noon na pumatay ng siyamnapu't siyam na tao. Nagtanong siya tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa. Pinatnubayan siya sa isang monghe. Pinuntahan niya ito. Nagsabi siya: 'Tunay na siya ay nakapatay ng siyamnapu't siyam na tao, kaya mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob?' Nagsabi ito: 'Wala na.'
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu