عَنْ أَبِي مُوسَى رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ اللهَ عَزَّ وَجَلَّ يَبْسُطُ يَدَهُ بِاللَّيْلِ لِيَتُوبَ مُسِيءُ النَّهَارِ، وَيَبْسُطُ يَدَهُ بِالنَّهَارِ لِيَتُوبَ مُسِيءُ اللَّيْلِ، حَتَّى تَطْلُعَ الشَّمْسُ مِنْ مَغْرِبِهَا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2759]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2759]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay tumatanggap ng pagbabalik-loob mula sa mga lingkod niya. Kaya kung nagkasala ang tao ng isang pagkakasala sa maghapon at nagbalik-loob sa gabi, tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya; at kung nagkasala naman siya ng isang pagkakasala sa gabi at nagbalik-loob sa maghapon, tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya. Nag-aabot Siya ng kamay Niya (kaluwalhatian sa Kanya) para sa pagbabalik-loob dala ng pagkatuwa rito at dala ng pagtanggap dito. Hindi natitigil ang pinto ng pagbabalik-loob na nakabukas hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito bilang pagpapahayag ng pagwawakas ng Mundo. Kapag sumikat ito sa kanluran, tunay na ang pinto ng pagbabalik-loob ay isasara.