عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«أَيُّهَا النَّاسُ، إِنَّ اللهَ طَيِّبٌ لَا يَقْبَلُ إِلَّا طَيِّبًا، وَإِنَّ اللهَ أَمَرَ الْمُؤْمِنِينَ بِمَا أَمَرَ بِهِ الْمُرْسَلِينَ، فَقَالَ: {يَا أَيُّهَا الرُّسُلُ كُلُوا مِنَ الطَّيِّبَاتِ وَاعْمَلُوا صَالِحًا، إِنِّي بِمَا تَعْمَلُونَ عَلِيمٌ} [المؤمنون: 51] وَقَالَ: {يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ} [البقرة: 172] ثُمَّ ذَكَرَ الرَّجُلَ يُطِيلُ السَّفَرَ أَشْعَثَ أَغْبَرَ، يَمُدُّ يَدَيْهِ إِلَى السَّمَاءِ: يَا رَبِّ، يَا رَبِّ، وَمَطْعَمُهُ حَرَامٌ، وَمَشْرَبُهُ حَرَامٌ، وَمَلْبَسُهُ حَرَامٌ، وَغُذِيَ بِالْحَرَامِ، فَأَنَّى يُسْتَجَابُ لِذَلِكَ؟».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1015]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"O mga tao, tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'ān 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} Pagkatapos binanggit niya ang lalaki, na nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya patungo sa langit [habang nananalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain nito ay bawal, ang iniinom nito ay bawal, ang isinusuot nito ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin ito roon?"}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1015]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay Kaaya-aya, na Kabanal-banalan, na pinawalang-kaugnayan sa mga kakulangan at mga kapintasan, na nailalarawan sa mga kakumpletuhan, at hindi tumatanggap mula sa mga ginagawa, mga sinasabi, at mga paniniwala kundi ang naging kaaya-aya, ang wagas ukol kay Allāh, ang sumasang-ayon sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hindi nararapat na magpakalapit-loob kay Allāh kundi sa pamamagitan niyon. Kabilang sa pinakadakila na ipinantatamo ng kaayahan ng mga gawain para sa mananampalataya ang kaayahan ng kinakain niya, na ito ay maging mula sa ipinahihintulot sapagkat sa pamamagitan niyon bumubusilak ang gawa niya. Dahil dito, nag-utos si Allāh sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo na pagkain ng ipinahihintulot at paggawa ng mga maayos sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'ān 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.}
Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkain ng bawal na nakasisira sa gawa at pumipigil sa pagkatanggap nito gaano man nagkaloob ng mga panlabas na kadahilanan ng pagtanggap, na kabilang sa mga ito:
1. Ang pagpapahaba ng paglalakbay sa mga uri ng mga pagtalima gaya ng ḥajj, pakikibaka, pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak, at iba pa roon.
2. Nagkagulu-gulo ang buhok dahil sa kawalan ng pagkasuklay nito, na nag-iba ang kulay niya at ang kulay ng kasuutan niya dahil sa alikabok, kaya siya ay nagigipit.
3. Nag-aangat siya ng mga kamay niya tungo sa langit sa panalangin.
4. Nagsusumamo kay Allāh sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at nangungulit doon: "O Panginoon, O Panginoon!"
Sa kabila ng mga kadahilanang ito para sa pagsagot sa panalangin, hindi ito dininig para sa kanya. Iyon ay dahil ang kinakain niya, ang iniinom niya, at ang isinusuot niya ay bawal. Binuhay sa bawal, malayong tumugon sa sinumang ito ang katangian niya at papaanong tutugon sa kanya?