عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قال: قال رَسُولُ الله صلى الله عليه وسلم:
«إِنَّ اللهَ يَغَارُ، وَإِنَّ الْمُؤْمِنَ يَغَارُ، وَغَيْرَةُ اللهِ أَنْ يَأْتِيَ الْمُؤْمِنُ مَا حَرَّمَ عَلَيْهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2761]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh ay naninibugho. Tunay na ang mananampalataya ay naninibugho. Ang paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal Niya rito."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2761]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay naninibugho, namumuhi, at nasusuklam kung paanong ang mananampalataya ay naninibugho, namumuhi, at nasusuklam; at na ang kadahilanan ng paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal ni Allāh dito na mga kahalayan gaya ng pangangalunya, sodomiya, pagnanakaw, pag-inom ng alak, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga kahalayan.