Ang kategorya: Ang Pinaniniwalaan .
+ -

عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه قال:
بَيْنَمَا نَحْنُ عِنْدَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ ذَاتَ يَوْمٍ إِذْ طَلَعَ عَلَيْنَا رَجُلٌ شَدِيدُ بَيَاضِ الثِّيَابِ، شَدِيدُ سَوَادِ الشَّعَرِ، لَا يُرَى عَلَيْهِ أَثَرُ السَّفَرِ، وَلَا يَعْرِفُهُ مِنَّا أَحَدٌ، حَتَّى جَلَسَ إِلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَأَسْنَدَ رُكْبَتَيْهِ إِلَى رُكْبَتَيْهِ، وَوَضَعَ كَفَّيْهِ عَلَى فَخِذَيْهِ، وَقَالَ: يَا مُحَمَّدُ، أَخْبِرْنِي عَنِ الْإِسْلَامِ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «الْإِسْلَامُ أَنْ تَشْهَدَ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، وَتُقِيمَ الصَّلَاةَ، وَتُؤْتِيَ الزَّكَاةَ، وَتَصُومَ رَمَضَانَ، وَتَحُجَّ الْبَيْتَ إِنِ اسْتَطَعْتَ إِلَيْهِ سَبِيلًا» قَالَ: صَدَقْتَ، قَالَ: فَعَجِبْنَا لَهُ، يَسْأَلُهُ وَيُصَدِّقُهُ، قَالَ: فَأَخْبِرْنِي عَنِ الْإِيمَانِ، قَالَ: «أَنْ تُؤْمِنَ بِاللهِ، وَمَلَائِكَتِهِ، وَكُتُبِهِ، وَرُسُلِهِ، وَالْيَوْمِ الْآخِرِ، وَتُؤْمِنَ بِالْقَدَرِ خَيْرِهِ وَشَرِّهِ» قَالَ: صَدَقْتَ، قَالَ: فَأَخْبِرْنِي عَنِ الْإِحْسَانِ، قَالَ: «أَنْ تَعْبُدَ اللهَ كَأَنَّكَ تَرَاهُ، فَإِنْ لَمْ تَكُنْ تَرَاهُ فَإِنَّهُ يَرَاكَ» قَالَ: فَأَخْبِرْنِي عَنِ السَّاعَةِ، قَالَ: «مَا الْمَسْؤُولُ عَنْهَا بِأَعْلَمَ مِنَ السَّائِلِ» قَالَ: فَأَخْبِرْنِي عَنْ أَمَارَتِهَا، قَالَ: «أَنْ تَلِدَ الْأَمَةُ رَبَّتَهَا، وَأَنْ تَرَى الْحُفَاةَ الْعُرَاةَ الْعَالَةَ رِعَاءَ الشَّاءِ يَتَطَاوَلُونَ فِي الْبُنْيَانِ» قَالَ: ثُمَّ انْطَلَقَ، فَلَبِثْتُ مَلِيًّا ثُمَّ قَالَ لِي: «يَا عُمَرُ، أَتَدْرِي مَنِ السَّائِلُ؟» قُلْتُ: اللهُ وَرَسُولُهُ أَعْلَمُ، قَالَ: «فَإِنَّهُ جِبْرِيلُ، أَتَاكُمْ يُعَلِّمُكُمْ دِينَكُمْ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 8]
المزيــد ...

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Samantalang kami ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, biglang may sumulpot sa amin na isang lalaking matindi ang kaputian ng mga kasuutan, na matindi ang kaitiman ng buhok, na hindi nakikita rito ang bakas ng paglalakbay, na walang nakakikilala rito na isa man sa amin, hanggang sa naupo ito paharap sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), saka nagsandal ito ng mga tuhod nito sa mga tuhod niya, at naglagay ito ng mga kamay nito sa ibabaw ng mga hita nito. Nagsabi ito: "O Muḥammad, magpabatid ka sa akin tungkol sa Islām." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Islām ay na sumaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili ka ng ṣalāh, magbigay ka ng zakāh, mag-ayuno ka sa Ramaḍān, at magsagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] kung nakaya mo [na magkaroon] papunta roon ng isang daan." Nagsabi ito: "Nagsabi ka ng totoo." Kaya nagulat kami rito; nagtatanong ito sa kanya at nagpapatotoo ito sa kanya. Nagsabi ito: "Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa Īmān." Nagsabi siya: "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda: sa mabuti nito at masama nito." Nagsabi ito: "Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa Iḥsān." Nagsabi siya: "Na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo." Nagsabi ito: "Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa Huling Sandali?" Nagsabi siya: "Ang tinatanong tungkol dito ay hindi higit na maalam kaysa sa nagtatanong." Nagsabi ito: "Saka magpabatid ka sa akin tungkol sa mga palatandaan nito." Nagsabi siya: "Na manganak ang babaing alipin ng amo niya, at na makakita ka sa mga nakayapak, na mga nakahubad, na mga naghihikahos, na mga pastol ng mga tupa, na nagpapataasan sa [pagpapatayo ng] gusali." Nagsabi [si `Umar]: "Pagkatapos lumisan ito at nanatili naman kami nang saglit." Nagsabi [ang Sugo]: "O `Umar, nakaaalam ka ba kung sino ang nagtatanong?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "Tunay na siya ay si Gabriel; pumunta siya sa inyo na nagtuturo sa inyo ng relihiyon ninyo."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 8]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay pumunta sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa isang anyo ng isang lalaking hindi nakikilala. Kabilang sa mga pagkakalarawan sa kanya na ang mga kasuutan niya ay matindi ang kaputian at ang buhok niya ay matindi ang kaitiman, na hindi nakikita sa kanya ang bakas ng paglalakbay na pagkalitaw ng pagod at alikabok, pagkagulu-gulo ng buhok, at pagkarumi ng mga kasuutan. Walang nakakikilala sa kanya na isa man sa mga naroroon habang sila ay mga nakaupo sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Naupo siya sa harapan ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nang pag-upo ng mag-aaral, saka nagtanong siya rito tungkol sa Islām. Sumagot naman ito sa kanya hinggil sa mga haliging ito, na naglalaman ng pagkilala sa pamamagitan ng Dalawang Pagsaksi, pangangalaga sa pagsasagawa ng limang dasal, pagbibigay ng zakāh sa mga karapat-dapat dito, pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān, at pagganap ng tungkulin na ḥajj para sa nakakakaya.
Nagsabi naman ang tagapagtanong: "Nagsabi ka ng totoo." Kaya nagtaka ang mga Kasamahan sa tanong niya, na nagpapahiwatig ng tila bang kawalan ng pagkakaalam niya pagkatapos pagpapatotoo niya.
Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa kanya tungkol sa Īmān, kaya sumagot siya hinggil sa anim na haliging ito na naglalaman ng sumusunod: 1. ang pananampalataya sa kairalan ni Allāh at mga katangian Niya at pagbubukod-tangi sa Kanya sa mga gawain Niya gaya ng paglikha at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba; 2. ang pananampalataya na ang mga anghel na nilikha ni Allāh mula sa isang liwanag ay mga lingkod na pinararangalan, na hindi sumusuway kay Allāh at ayon sa utos Niya ay gumagawa sila; 3. ang pananampalataya sa mga kasulatan na pinababa sa mga sugo mula sa ganang kay Allāh, gaya ng Qur'ān, Torah, Ebanghelyo, at iba pa sa mga ito; 4. ang pananampalataya sa mga sugong tagapagpaabot buhat kay Allāh ng Relihiyon Niya, na kabilang sa kanila sina Noe, Abraham, Moises, Jesus, Muḥammad na kahuli-hulihan sa kanila, at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga propeta at mga sugo; 5. ang pananampalataya sa Huling Araw, na napaloloob dito ang anumang matapos ng kamatayan gaya ng mangyayari sa libingan, buhay sa Barzakh, pagbuhay sa tao matapos ng kamatayan at pagtutuos sa kanya, at kahahantungan ng tao na maaaring Paraiso o Impiyerno; at 6. ang pananampalataya na si Allāh ay nagtakda ng mga bagay alinsunod sa nauna hinggil dito ang kaalaman Niya, ang kahilingan ng karunungan Niya, ang pagkakasulat Niya niyon, ang kalooban Niya roon, at ang pagkaganap nito alinsunod sa itinakda Niya rito at nilikha Niya para rito. Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa Propeta tungkol sa Iḥsān kaya nagpabatid ito sa kanya na ang Iḥsān ay na sumamba siya kay Allāh na para bang siya ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi naisasakatotohanan sa kanya ang pagkaabot sa katayuang ito, sambahin niya si Allāh na para bang si Allāh ay nanunuod sa kanya; kaya ang una ay ang katayuan ng pagkakita, na siyang pinakamataas, at ang ikalawa ay ang antas ng pagsasaalang-alang.
Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa Propeta kung kailan ang Huling Sandali. Kaya naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kaalaman sa Huling Sandali ay kabilang sa nagsolo si Allāh sa kaalaman dito, kaya naman hindi nakaaalam dito ang isa man kabilang sa nilikha: hindi ang tinatanong tungkol dito at hindi ang tagapagtanong.
Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa Propeta tungkol sa mga tanda ng Huling Sandali kaya naglinaw ito na kabilang sa mga tanda niyon ang pagdami ng mga aliping babae at mga anak nila o ang pagdami ng kasuwailan ng mga anak sa mga ina nila, na nagtatrato sa kanila gaya ng pagtrato sa mga babaing alipin; at na ang mga pastol ng tupa at ang mga maralita ay paririwasain sa Mundo sa wakas ng panahon kaya magpapayabangan sila sa pagpapalamuti ng mga gusali at pagpapatayo ng mga ito.
Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagapagtanong ay si Anghel Gabriel, na dumating para magturo sa mga Kasamahan ng Makatotoong Relihiyong ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kagandahan ng kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na siya ay umuupo kasama ng mga Kasamahan niya at umuupo naman sila paharap sa kanya.
  2. Ang pagkaisinasabatas ng kabanayaran sa tagapagtanong at pagpapalapit sa kanya upang makakaya siya sa pagtatanong nang hindi nanlulumo ni nangangamba.
  3. Ang etiketa sa tagapagturo gaya ng ginawa ni Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) yayamang umupo siya sa harapan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng pagkaupo ng nag-aasal ng maganda upang matuto mula sa Propeta.
  4. Ang mga haligi ng Islām ay lima at ang mga saligan ng Īmān ay anim.
  5. Sa sandali ng pagsasama ng Islām at Īmān, ipinakakahulugan ang Islām bilang mga usaping panlabas at ang Īmān bilang mga usaping panloob.
  6. Ang paglilinaw na ang Relihiyon ay mga antas na nagkakaibahan. Ang unang antas ay ang Islām (Pagpapasakop), ang ikalawa ay ang Īmān (Pananampalataya), at ang ikatlo ay ang Iḥsān (Pagmamaganda), na siyang pinakamataas sa mga ito.
  7. Ang batayang pagtuturing sa tagapagtanong ay ang kawalan ng kaalaman nito. Ang kamangmangan ay ang tagapag-udyok sa pagtatanong. Dahil doon, nagtaka ang mga Kasamahan sa pagtatanong ni Anghel Gabriel at pagpapatotoo niya.
  8. Ang pagsisimula sa pinakamahalaga saka pinakamahalaga ay dahil pinasimulan ang Islām sa Dalawang Pagsaksi sa pagpapakahulugan sa Islām at pinasimulan ang Īmān sa pananampalataya kay Allāh sa pagpapakahulugan sa Īmān.
  9. Ang pagtatanong sa mga may kaalaman ng hindi naman nalilingid sa tagapagtanong ay upang magturo ito sa iba.
  10. Ang kaalaman sa Huling Sandali ay kabilang sa nagsolo si Allāh ng kaalaman doon.
Ang mga kategorya