عن أبي موسى رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«إِنَّ اللهَ لَيُمْلِي لِلظَّالِمِ، حَتَّى إِذَا أَخَذَهُ لَمْ يُفْلِتْهُ» قَالَ: ثُمَّ قَرَأَ: «{وَكَذَلِكَ أَخْذُ رَبِّكَ إِذَا أَخَذَ الْقُرَى وَهِيَ ظَالِمَةٌ إِنَّ أَخْذَهُ أَلِيمٌ شَدِيدٌ}[هود: 102]»
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4686]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh ay talagang nagpapalugit sa tagalabag ng katarungan; hanggang sa nang dumaklot Siya rito, hindi Siya magpapalusot dito." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4686]
Nagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapatuloy sa kawalang-katarungan sa pamamagitan ng mga pagsuway, Shirk, at kawalang-katarungan sa mga tao sa mga karapatan nila. Tunay na si Allāh ay nagpapalugit sa tagalabag sa katarungan, nagpapaliban sa kanya, nagpapahaba sa kanya ng buhay niya, at nagpaparami ng yaman niya kaya hindi nagmamadali sa kanya sa kaparusahan. Kung hindi naman siya nagbalik-loob, dadaklot si Allāh sa kanya, hindi magpapawala sa kanya, at hindi mag-iiwan sa kanya dahil sa dami ng kawalang-katarungan niya.
Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}