+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه: أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«يَنْزِلُ رَبُّنَا تَبَارَكَ وَتَعَالَى كُلَّ لَيْلَةٍ إِلَى السَّمَاءِ الدُّنْيَا حِينَ يَبْقَى ثُلُثُ اللَّيْلِ الْآخِرُ، يَقُولُ: «مَنْ يَدْعُونِي فَأَسْتَجِيبَ لَهُ؟ مَنْ يَسْأَلُنِي فَأُعْطِيَهُ؟ مَنْ يَسْتَغْفِرُنِي فَأَغْفِرَ لَهُ؟».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1145]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Bumababa ang Panginoon natin (napakamapagpala Siya at napakataas) sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlo ng gabi. Magsasabi Siya: Sino ang dumadalangin sa Akin para tumugon Ako sa kanya? Sino ang humihingi sa Akin para magbigay ako sa Kanya? Sino ang humihingi ng tawad sa Akin para magpatawad Ako sa kanya?"}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1145]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay bumababa sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlong bahagi ng gabi. Nagpapaibig Siya sa mga lingkod Niya na dumalangin sila sa Kanya sapagkat Siya ay tumutugon sa sinumang dumalangin sa Kanya. Humihimok Siya sa kanila na humingi sila sa Kanya ng ninanais nila sapagkat Siya ay nagbibigay sa sinumang humingi sa Kanya. Nagmungkahi Siya sa kanila na humingi sila ng tawad sa Kanya sa mga pagkakasala nila sapagkat Siya ay nagpapatawad sa mga lingkod Niya na mga mananampalataya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng huling ikatlo ng gabi at ang pagsasagawa ng ṣalāh, ang pagdalangin, at ang paghingi ng tawad dito.
  2. Nararapat sa tao sa sandali ng pagkarinig ng ḥadīth na ito na siya ay maging matindi ang sigasig sa pagsamantala ng mga oras ng pagsagot sa panalangin.
Ang karagdagan