+ -

عَنِ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤْمِنين رَضيَ اللهُ عنها زَوْجَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
أَنَّ الْحَوْلَاءَ بِنْتَ تُوَيْتِ بْنِ حَبِيبِ بْنِ أَسَدِ بْنِ عَبْدِ الْعُزَّى مَرَّتْ بِهَا وَعِنْدَهَا رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقُلْتُ: هَذِهِ الْحَوْلَاءُ بِنْتُ تُوَيْتٍ، وَزَعَمُوا أَنَّهَا لَا تَنَامُ اللَّيْلَ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «لَا تَنَامُ اللَّيْلَ! خُذُوا مِنَ الْعَمَلِ مَا تُطِيقُونَ، فَوَاللهِ لَا يَسْأَمُ اللهُ حَتَّى تَسْأَمُوا».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 785]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na maybahay ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan):
{Si Al-Ḥawlā' bint Tuwayt bin Ḥabīb bin Asad bin `Abdil`uzzā ay naparaan sa kanya samantalang nasa piling niya ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ako: "Ito ay si Al-Ḥawlā' bint Tuwayt. Nag-akala sila na siya ay hindi natutulog sa gabi." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi siya natutulog sa gabi! Gumawa kayo mula sa gawain ng makakayanan ninyo; sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi magsasawa si Allāh hanggang sa magsawa kayo."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 785]

Ang pagpapaliwanag

Minsang nasa piling ng Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) si Al-Ḥawlā' bint Tuwayt (malugod si Allāh dito) saka lumabas ito mula sa kanya kasabay ng pagpasok ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi si `Ā'ishah sa kanya: "Ang babaing ito ay hindi natutulog bagkus nagpupuyat siya sa pagdarasal." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagmamasama sa pagpapahirap nito sa sarili nito: "Hindi siya natutulog sa gabi! Magpakaabala kayo ng maayos na gawain na makakaya ninyo ang pagpapamalagi roon; sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi magsasawa si Allāh sa pagbibigay sa mga lingkod Niyang mga maayos, na mga tagatalima, ng gantimpala at ganti sa mga pagtalima nila, mga magandang gawa nila, at mga maayos na gawa nila hanggang sa magsawa sila at mag-iwan sila ng gawain."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpaparami ng pagsamba higit sa nakakayanan ng katawan ay humahantong sa pagkasawa at kawalang-gana kaya magwawaksi nito ang sarili.
  2. Ang pagkakatamtaman at ang pagkabalanse sa pagganap ng pagsamba ay pang-ayaya sa pagpapatuloy rito at pagpapakatatag dito.
  3. Ang kaunting palagiang gawain ay higit na mabuti kaysa maraming paputul-putol.
  4. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Dahil sa pagpapamalagi ng [gawaing] kaunti, nagpapatuloy ang pagtalima sa pamamagitan ng pag-alaala, pagsasaalang-alang, pagpapakawagas, at pagtuon kay Allah, na kasalungatan naman sa maraming mahirap [na gawain], hanggang sa lumago ang kaunting palagian sa punto na hihigit ito nang maraming ibayo kaysa sa maraming paputul-putol.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin