عن سَعِيدِ بْنِ الْمُسَيَّبِ، عَنْ أَبِيهِ قَالَ:
لَمَّا حَضَرَتْ أَبَا طَالِبٍ الْوَفَاةُ، جَاءَهُ رَسُولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم فَوَجَدَ عِنْدَهُ أَبَا جَهْلٍ وَعَبْدَ اللهِ بْنَ أَبِي أُمَيَّةَ بْنِ الْمُغِيرَةِ، فَقَالَ: «أَيْ عَمِّ، قُلْ: لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، كَلِمَةً أُحَاجُّ لَكَ بِهَا عِنْدَ اللهِ»، فَقَالَ أَبُو جَهْلٍ وَعَبْدُ اللهِ بْنُ أَبِي أُمَيَّةَ: أَتَرْغَبُ عَنْ مِلَّةِ عَبْدِ الْمُطَّلِبِ، فَلَمْ يَزَلْ رَسُولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم يَعْرِضُهَا عَلَيْهِ، وَيُعِيدَانِهِ بِتِلْكَ الْمَقَالَةِ، حَتَّى قَالَ أَبُو طَالِبٍ آخِرَ مَا كَلَّمَهُمْ: عَلَى مِلَّةِ عَبْدِ الْمُطَّلِبِ، وَأَبَى أَنْ يَقُولَ: لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم: «وَاللهِ لَأَسْتَغْفِرَنَّ لَكَ مَا لَمْ أُنْهَ عَنْكَ»، فَأَنْزَلَ اللهُ: {مَا كَانَ لِلنَّبِيِّ وَالَّذِينَ آمَنُوا أَنْ يَسْتَغْفِرُوا لِلْمُشْرِكِينَ} [التوبة: 113]، وَأَنْزَلَ اللهُ فِي أَبِي طَالِبٍ، فَقَالَ لِرَسُولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم: {إِنَّكَ لا تَهْدِي مَنْ أَحْبَبْتَ وَلَكِنَّ اللهَ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ} [القصص: 56].
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4772]
المزيــد ...
Ayon kay Sa`īd bin Al-Musayyab, ayon sa ama niya na nagsabi:
{Noong dumating kay Abū Ṭālib ang pagpanaw, pumunta sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka natagpuan niya sa piling nito sina Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah bin Al-Mughīrah saka nagsabi siya: "O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa kay Allāh." Kaya nagsabi si Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "Umaayaw ka ba sa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib?" Kaya hindi natigil ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nag-aalok nito roon at umuulit naman doon ang dalawa ng nasabi hanggang sa nagsabi si Abū Ṭālib ng kahuli-hulihan sa sinalita niya sa kanila: "Nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib ako." Tumanggi iyon na magsabi na walang Diyos kundi si Allāh. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man kay Allāh, talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo hanggang hindi ako sinasaway laban sa iyo." Kaya nagpababa si Allāh: {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal,} (Qur'ān 9:113) Nagpababa naman si Allāh kaugnay kay Abū Ṭālib sapagkat nagsabi Siya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56)}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4772]
Pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kinaroroonan ng tiyuhin niyang si Abū Ṭālib habang ito ay naghihingalo saka nagsabi siya rito: "O tiyuhin, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa kay Allāh." Kaya nagsabi si Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "O Abū Ṭālib, iiwanan mo ba ang kapaniwalaan ng ama mong si `Abdulmuṭṭalib?" Ito ay ang pagsamba sa mga anito. Hindi pa sila natigil na nagsasalita sa kanya hanggang sa nagsabi siya ng kahuli-hulihang bagay na isinalita niya sa kanila: na nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib siya, ang kapaniwalaan ng Shirk at ang pagsamba sa mga anito. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mananalangin ako para sa iyo ng kapatawaran hanggat hindi sumasaway sa akin ang Panginoon ko laban doon." Kaya bumaba ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal, kahit na sila'y mga kamag-anak, pagkatapos na naging malinaw na sila'y mga mananahan sa Apoy.} (Qur'ān 9:113) Nagpababa naman si Allāh kaugnay kay Abū Ṭālib ng sabi Niya: {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56) Sapagkat ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo ang kapatnubayan sa kanya; tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot at si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya.