عن عبد الله ابن عباس -رضي الله عنهما- كان عمر -رضي الله عنه- يُدْخِلُنِي مع أَشْيَاخِ بَدْرٍ فَكَأَنَّ بَعْضَهُم وَجَدَ في نفسه، فقال: لم يُدْخِلُ هذا معنا ولنا أبناءٌ مثله؟! فقال عمر: إنه من حَيْثُ عَلِمْتُمْ! فدعاني ذاتَ يومٍ فأَدَخَلَنِي مَعَهُمْ فما رأيتُ أنه دعاني يَوْمَئِذٍ إلا لِيُرِيَهُم، قال: ما تقولون في قول الله:(إذا جاء نصر الله والفتح)، [الفتح: 1]، فقال بعضهم: أَمَرَنَا نَحْمَدُ اللهَ ونَسْتَغْفِرُهُ إذا نصرنا وفَتَحَ علينا، وسكتَ بعضُهُم فَلَمْ يَقُلْ شيئًا، فقال لي: أكذلك تقولُ يا ابنَ عباس؟ فقلت: لا، قال: فما تقول؟ قلت: هو أَجَلُ رسولِ اللهِ -صلى الله عليه وسلم- أَعْلَمَهُ له، قال: "إذا جاء نصر الله والفتح" وذلك علامةُ أجلِكَ، "فسبح بحمد ربك واستغفره إنه كان توابا" فقال عمر -رضي الله عنه-: مَا أَعْلَمُ مِنْهَا إلَّا مَا تَقُولُ.
[صحيح.] - [رواه البخاري.]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, ay nagpapalahok sa akin kasama ng mga nakatatanda ng Badr kaya para bang ang ilan sa kanila ay nakatagpo sa sarili niya [ng pagkainis] at nagsabi: "Bakit siya nagpapalahok nito kasama natin samantalang tayo ay may mga anak na tulad niya?" Nagsabi si `Umar: "Tunay na siya ay alinsunod sa nalaman ninyo." Tinawag niya ako isang araw at pinalahok niya ako kasama nila at hindi ko itinuturing na siya ay tumawag sa akin sa araw na iyon malibang upang ipakita niya sa kanila. Nagsabi siya: "Ano ang masasabi ninyo sa sabi ni Allah (Qur'ān 110:1): Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop..." Nagsabi ang ilan sa kanila: "Inutusan tayo na magpuri kay Allah at humingi ng tawad sa Kanya kapag nagwagi tayo at pinasakop sa atin." Nanahimik ang ilan sa kanila at hindi nagsabi ng anuman. Nagsabi siya sa akin: "Gayon ba ang sasabihin mo Ibnu `Abbās?" Nagsabi ako: "Hindi po." Nagsabi siya: "Kaya ano ang sasabihin mo?" Nagsabi ako: "Ito ay taning ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan; ipinaalam iyon sa kanya." Nagsabi si [Allah]: "Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop" - iyan ay tanda ng taning mo - "magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad." Kaya nagsabi si `Umar, malugod si Allāh sa kanya: "Wala akong nalalaman mula roon maliban sa sinasabi mo."
-

Ang pagpapaliwanag

Kabilang noon sa patnubay ni `Umar, malugod si Allāh sa kanya, na ito ay sumasangguni sa mga tao, sa mga may matalinong pananaw, kaugnay sa anumang nagdudulot ng suliranin sa kanya. Inilalahok niya noon kasama ng mga nakatatanda ng Badr, na mga pangunahing Kasamahan, si `Abdullāh ibnu `Abbās. Siya noon ay bata ang edad kung ihahambing sa mga ito kaya nagalit ang mga ito doon. Papaanong inilalahok si Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, at hindi inilalahok ang mga anak nila kaya ninais ni `Umar na ipakita sa kanila ang kalagayan ni `Abdullāh ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa kaalaman, katalinuhan, at kahusayan kaya tinipon nito sila at tinawag siya. Inilahad nito sa kanila ang Kabanata 110 ng Qur'ān: "Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop, at nakita mo ang mga tao na pumapasok sa Relihiyon mula kay Allah na mga pulu-pulutong, ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad." Nahati sila sa dalawang bahagi noong tinanong nito sila tungkol doon kung ano ang masasabi nila kaugnay roon? May isang bahaging nanahimik at may isang bahaging nagsabi: "Tunay na si Allah ay nag-utos sa atin, kapag dumating ang pagwawagi at ang pagsakop, na humingi tayo ng tawad sa mga pagkakasala natin, magpuri tayo sa Kanya, at magluwalhati sa Kanya kalakip ng papuri sa Kanya." Subalit si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, ay nagnais na malaman kung ano ang pinatutungkulan ng kabanatang ito at hindi niya ninais na malaman ang kahulugan nito alinsunod sa mga pananalita at mga salita. Tinanong nito si Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ano ang masasabi mo sa kabanatang ito?" Nagsabi siya: "Ito ay taning ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: ang tanda ng paglapit ng taning niya, na ibinigay ni Allah sa kanya bilang talata [ng Qur'ān]: 'Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop...' Tinutukoy nito ang pagsakop sa Makkah sapagkat tunay na iyon ay tanda ng taning mo: 'magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad.'" Kaya nagsabi ito: "Wala akong nalalaman kaugnay rito maliban sa nalaman mo." Lumitaw sa pamamagitan niyon ang kalamangan ni Allah, malugod si Allah sa kanilang dalawa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin