+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَا مِنْ يَوْمٍ يُصْبِحُ العِبَادُ فِيهِ إِلَّا مَلَكَانِ يَنْزِلاَنِ، فَيَقُولُ أَحَدُهُمَا: اللَّهُمَّ أَعْطِ مُنْفِقًا خَلَفًا، وَيَقُولُ الآخَرُ: اللَّهُمَّ أَعْطِ مُمْسِكًا تَلَفًا».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1442]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Walang anumang araw na inuumaga ang mga tao roon malibang may dalawang anghel na bumababa saka nagsasabi ang isa sa kanilang dalawa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol ng isang kabayaran,' at nagsasabi naman ang isa pa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait ng isang kasiraan.'"}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1442]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat araw na sumisikat dito ang araw ay may dalawang anghel na bumababa, na nananawagan, na nagsasabi ang isa sa dalawa:
"O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol sa mga pagtalima, sa mag-anak, mga panauhin, at mga pagkukusang-loob ng isang kabayaran; tumumbas Ka sa kanya ng isang kabutihan sa anumang ginugol niya; at magpala Ka sa kanya."
Nagsasabi naman ang isa pa: "O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait nito ng isang kasiraan at magpahamak Ka ng yaman niya na ipinagkait niya sa mga karapat-dapat dito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية النيبالية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpayag sa pagdalangin para sa mapagbigay ng dagdag na panumbas at na mag-iwan sa kanya ng isang kabutihan dahil sa ginugol niya. Ang pagpayag sa pagdalangin laban sa maramot ng pagkasira ng yaman niya na ipinagmaramot niya at ipinagkait niya ang paggugol nito sa inobliga ni Allāh sa kanya.
  2. Ang pagdalangin ng mga anghel para sa mga mananampalatayang maayos ng kabutihan at pagpapala at na ang panalangin nila ay tinutugon.
  3. Ang pag-udyok sa paggugol sa mga kinakailangan at mga pagkukusang-loob gaya ng paggugol sa mag-anak, pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak, at mga uri ng kabutihan.
  4. Ang paglilinaw sa kainaman ng tagapaggugol sa mga uri ng kabutihan at na ang kahihinatnan niya ay na si Allāh ay magtutumbas sa kanya. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 34:39): {Ang anumang ginugol ninyo na anuman, Siya ay magtutumbas nito at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagapagtustos.”}
  5. Ang panalanging ito ay laban sa tagapagkait ng mga guguling kinakailangan. Hinggil naman sa mga guguling isinakaibig-ibig, hindi ito napaloloob dahil ang nasasangkot dito ay hindi karapat-dapat sa panalanging ito.
  6. Ang Pagbabawal sa Karamutan at Kasibaan
Ang karagdagan